Wednesday, October 29, 2014

The Infinity War Teaser

omg omg omg omg omg...
Not sure how long this will be on YouTube so enjoy it while it lasts. Kahit kuhang cam lang grabe sa swabe ang teaser! Kudos sa sneaky camera man na nakakuha nito at napasaya mo ang maraming Marvel fans. 

Ladies and gentlemen, The Infinity War teaser.



Grabe ang reaction ng crowd and why not? Men, shit like this makes you wanna wish it's 2018 already. Time space warp - ngayon din!

Monday, October 27, 2014

Picture of the Day: CD-R King - Stark Industries Partnership

Talagang malayo na ang narating ng CD-R King. IMBA.
Dahil sa pagsasanib pwersa ng dalawang higanteng kompanyang ito, nasa line up na daw ng CDR-King in the following months ang Iron Man suit sa halagang 2,500 pesos lamang. Abangan!

Saturday, October 25, 2014

Robinsons Place Las Pinas: Day 1

Just 2 cartwheels away from our place. And a split.
Sa wakas! Kanina lang ay binuksan na ng Robinsons Place Las Pinas ang kanilang entrance sa madlang people. Matagal tagal na rin naming inaabangan ang opening ng mall na 'to na abot tanaw lang namin ang construction from our room's window. Parang kailan lang bakanteng lote lang ang lugar na 'yon pero ngayon isa na s'yang jumbohalang mall!

Never pa ako nakapunta sa grand opening ng isang mall so excited ako kanina to be a part of its history. Yes, isa ako sa mga officially na mag dede-virginize sa Robinsons Place Las Pinas and it feels so good.

Tuesday, October 21, 2014

Picture of the Day: The C5 Electrifying Overpass of Death!

Engineering level 99 
Ito na yata ang pinakamalupet na overpass na nadaanan ko sa buong buhay ko kasi may halong buwis buhay ang pagdaan dito. Bakit? Ayun, may nakatagos lang naman ng kable ng kuryente sa hagdanan. Di lang basta kordon - kulumpon ng matatabang kurdon ng kuryente na tatawagin na lang nating Giant Electric Cables of Death!

Bravo sa sino mang nakaisip ng konseptong ito na obvious namang Takeshi's Castle inspired. Mas masaya siguro 'to tuwing umuulan no?

Monday, October 20, 2014

Weezer Resurrection

whatever it is... <insert album title here>
Happy monday and hooray for Weezer!

Kailan lang naglabas ang Weezer ng new album na titled the title of this blog - Everything Will Be Alright in the End. Sakto ang title ng album nila to start the week 'di ba? So what's the album like? Well, isa lang masasabi ko pag pinakinggan mo s'ya - everything will be alright 'til the end. In short, pumasa lahat ng kanta ng album sa'kin from the first track 'til the last one.

Friday, October 17, 2014

H&M Camping 2014

Hatinggabi at Magdamag
So magbubukas daw sa Megamall ang H&M this Friday (Oct. 17) and guess what - ang unang customer ay magwawagi ng tumataginting na 6k worth na gift certificate (GC) plus Wil cologne and CD. The following 200 shoppers will win GC's din pero between 200 pesos - 5k na lang. Still, para sa ating shopaholics, isa itong kumikinang na gantimpala at the end of the H&M rainbow.

Naisip ko tuloy, yare 'to sa mga aggressive shoppers. Malamang madaling araw pa lang may nakapila na sa Megamall para makamit ang pangarap na jackpot na 6k GC. OA pa predictions ko 'nun kasi alam naman natin na ang mall nagbubukas ng between 9am - 10am pa 'di ba? Pero nainsulto ko yata ang kakayanan ng ating mga pinoy shoppers dahil according sa nabasa ko, mahigit isang daang tao na ang nakapila for the opening as early 3pm ng Huwebes!

Tuesday, October 14, 2014

The Walking Dead Resurrection

The Walking Dead circa 2014
So I watched the season 5 premiere of The Walking Dead kagabi. Honestly, I was kind of skeptic kasi nga medyo nawalan na ako ng gana sa show na 'to (here's why) pero this season starter could actually revive my interest ulit. Like a zombie, nabuhay muli ang The Walking  Dead fan within me.

This post could actually contain spoilers so kung di mo pa napapanood ang latest episode - nood na! You won't regret it.

Friday, September 26, 2014

Be Careful With My Heart Ending

Matatapos na?? NOOOOOO!!!
Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako o talagang totoo 'yung nabasa ko sa newsfeed ng facebook ko. Almost two months from now (Nov. 28) - matatapos na ang akala nating imortal at walang kamatayang teleseryeng Be Careful With My Heart.

HUWAAAATT?!! Chineck ko pa ulit 'yung source ng news.

http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/09/25/14/be-careful-my-heart-ending

Hmm, seems legit. So isa pa and this time sabay- sabay at mas may feeings. HUWAAATTT??!!!

Tuesday, September 23, 2014

The Walking Dead is Coming! Meh...

So I might be wrong all along...
I was an avid The Walking Dead fan. Well, malaking emphasis sa "was" - in short, medyo wala na din akong pake. Don't get me wrong, once upon a time isa akong masugid na manonood ng series na 'to. One of the main reason kaya excited ako every Monday dahil may bagong labas na episode na naman sila. Pero season after season parang nagde-decline ang excitement ko.

And here we are, season 5 is just around the corner.

Thursday, September 18, 2014

Join the Sugar Cola

My birthday line-up
Last week I celebrated my 21st birthday sa Metrowalk with friends and siblings. Kasama ko din syempre ang aking ultraelectromagnetic wife. Siguro may isang taon na din akong di nakakapunta sa kahit anong live band gig pero sumakto naman kasi na on that day saktong tutugtog ang tatlong bandang idol ko sa paggawa ng kanta - Join the Club, Ebe Dancel, and Sponge Cola.

Sobrang adventure ang pagpunta sa venue dahil sa sama ng panahon kaya naman sobrang saya dahil nasulit naman ang aming effort sa sarap ng tugtugan. Sa labas pa lang nakatambay na ang Sponge Cola at Join the Club merchandise. Sponge Cola's guitarist (Armo) even greeted us as we make our way inside the Music Hall. Maliit lang 'yung venue pero I like it - it's more, uhm, intimate. Nasa harap kami kaya I am expecting na malamang makalaglag-tutuli ang lakas ng tugtugan later on. And so the jam began with Join the Club kicking off the party.

Tuesday, September 9, 2014

My Top 10 Childhood Gaming Memories

Hintayin mo kakampi mo kung ayaw mo ng gulo
Ah, gaming memories. Noong rare pa magkaroon ng gaming console at di pa uso ang hi-tech gaming devices. 'Yung mga taong unti-unti ka pa lang namumulat sa mahiwagang mundo ng electronic entertainment. I am sure lahat tayo nagdaan sa phase na 'yan kaya let's do a rundown ng mga nakakatuwang gaming memories noong tayo ay bata pa.

Ang lahat ng nasa top 10 na 'to ay isang sukatan na nasulit mo nga ang iyong childhood gaming days. I should know, lahat 'to ay napagdaanan ko din, he he. Come on, press the start button!

Thursday, September 4, 2014

Eraserheads New Songs Now Out

Look who's back...
Yep, two Eraserheads songs are out for grabs starting today. Freebie s'ya sa bawat purchase ng Esquire magazine September issue. For just 400 pesos you can experience the Eheads brilliance once again. Balita ko nga nagkakagipitan pa sa kopya ng magazines. I know thet feeling pero huwag ng malumbay - para sa masang walang mabiling kopya o wala lang pambili (pambili sa magasin mong maganda...), heto na ang mga bagong harana ng Eheads.



Grab your Esquire copies now and enjoy the group's comeback songs as long as they're available. The Eheads are not technically back together pero this is good enough - sana more to come. That's it, enjoy the songs with a smile!

Thursday, August 28, 2014

Syempre Kitty si Hello Kitty! Hellooo!

pusakabatalaga?
Walang humpay na posts about kay Hello Kitty ang bumuhos sa Facebook newsfeed ko mula umaga hanggang sa mga oras na sinusulat ko 'to. Sobrang nagimbal ang world wide web dahil sa revelation na si Hello Kitty daw ay hindi pusa. Yup, trip lang n'yang maglagay ng "Kitty" sa pangalan n'ya at magkaroon ng ulo na may whiskers.

Nakakatawang isipin na sa dinami dami ng issue na gumagambala sa ating society, aside sa ALS ice bucket challenge, 'eto pa ang isang issue na talaga namang hot item sa mga netizens. Pero bakit nga naman hinde? Pag nagkataon si Hello Kitty na ang pinakamalupet na troll sa lahat. Nakuha n'yang mapaniwalang pusa s'ya kahit na hindi naman pala. Pero ano nga ba talaga?

Wednesday, August 20, 2014

The ALS Ice Bucket Awards

ALS = Ang Lamig  Syeeet!
Of course it's fun to watch celebrities, musicians, politicians, at kung sino sino pang matataas na tao na mabuhusan ng baldeng puno ng super lamig na tubig. Parang isa lang syang choo-choo trend na maraming naki-angkas dahil nga sobrang "cool" - pun intended. Pero in fairness, it made its message across - awareness sa sakit na ALS or Amyotrophic lateral sclerosis.

Maraming naaliw sa mga ice bucket challenge videos pero I doubt if all of them know what ALS even mean. Well, isa na ako 'dun 'nung simula. Pero kaya ko nasabing effective ang awareness drive nila because it made me google about ALS. So in my own words, base lang sa pagkakaintindi ko, here's what it is:

Tuesday, August 12, 2014

Basag Alkansya Scammer

So nakatanggap na naman ako ng isang text mula sa mundo ng mga halimaw. Isang scam text. As usual nagpapa-load na naman ang loko. Kesyo nakaaway ang amo at kailangan ng emergency load. Naisipan kong subukan kung gaano katatag ang scammer na 'to para lang makapanloko.

Ito ang unang eksena.


Goodbye Mr. Williams

Robin Williams (July 21, 1951 – August 11, 2014)
Noong panahong usong uso pa ang Betamax at VHS, madalas kaming magpunta sa paborito naming video rentals para umarkila ng mga pelikula. Isang araw, may naarkila kaming isang film na parang walang dating 'yng title pero maganda naman daw. So okay, inarkila namin 'yung Mrs. Doubtfire. Sure enough, that film became a "cult hit" sa bahay namin at siguro ilang beses na ding napanood. Huwag lang na may darating na bisita 'yun agad isasalang sa player. Madalas tuloy kami mapenalty dahil madalas di namin nasosoli agad 'yung renta.

Doon din nagmarka sa akin si Robin Williams. Soon enough, inisa isa ko na din 'yung mga films n'ya. Of course may mga pelikulang sablay pero there's something about Robin Williams' humor - ibang klase 'yung impromptus n'ya. Most of all, kapag inisip ko ngayon, parang napaka nostalgic lang kapag naaalala ko 'yung mga patawa at impersonations n'ya. Surely one of the best in the business.

Here's one of the videos na dinownload ko pa dati from Youtube just to watch it on mobile. Nicely done, sir. Goodbye Mr. Williams.


Thursday, August 7, 2014

Picture of the Day: Kaleidoscope Kanin

The United Colors of Rice
Nagulantang lang ako na ganito na pala kadami kulay ng bigas ngayon? So colorful! Talagang may violet rice?! Wow. Pero curious ako sa Forbidden Rice, eh. Ano kaya lasa 'nun? Pero since forbidden s'ya, siguro I'll never know. I'll never know...

Monday, July 28, 2014

Fashion Statement of the Nation Address

Fashion Statement of the Nation Address
by ronski

red carpet at mga kumukutikutitap na damit
parada ng mga fashionistang manhid
kapal ng mukha kumakaway pa
feel na feel ang pagrampa
akala mo nasa oscars
SONA lang pala
'tang ina

bow.

Image from http://pinoyshowbizdaily.blogspot.com/

Sunday, July 27, 2014

Misteryo ng Universe #12: Fifty Shades of Grey

Filthy, este, Fifty Shades of Grey
Seriously, ano ba'ng meron ang book na 'to at soooobrang hyped? Lalo pa ngayon na may movie adaptation na ng Fifty Shades of Grey - NAKO - nagkukumahog na naman ang mga tao, and to my dismay, mostly female. Then again - BAKIT!?

Remember when this book came out dati? Hanep sa ratings, 'di ba? Best seller at talaga namang maiintriga kahit sinong bookworm. It didn't took long at umabot na sa pinas ang hype. Ayun, isang araw napansin ko na lang na napupuno na ang Facebook timeline ko ng feedback regarding the book. Praises everywhere! Tapos sa LRT/MRT at coffee shops parang feeling cool 'yung mga taong nagbabasa nito sa isang sulok. Di ko pa nababasa ang book na 'to pero ang alam ko lang erotic daw ang plot at maraming weird sexual stuff and rituals. Okay... so kung ganito ang plot nito how come patok na patok s'ya sa girls? Di ba dapat may sense of "violation" pa nga kung ganon ang tema 'nung book? Pero as I've said, never read the book so what do I know?

Saturday, July 26, 2014

Ronscreens: She's Dating the Gangster

Finger lickin' good!
Kung sa title pa lang gets mo na kung tungkol saan ang post na ito, well, congrats. Isa ka malamang sa nakasaksi sa KathNiel blockbuster na She's Dating the Gangster. These past few days I got so many positive feedback about the movie na we decided to watch it. yeah, I watched a KathNiel film. The verdict? Well, who could have thought na it's actually a good movie. The positive buzz about the movie is no hype at all.

Pumasok ako ng sinehan ng walang mataas na expectation. Medyo hingal kasi I need to finish some work stuff bago ako lumarga sa SM kung saan sabik na sabik ng nakapila ang certified KathNiel fanatic kong asawa. Mabuti naman when I arrived trailers pa lang ang palabas. Ang haba daw ng pila! Puno din ang sinehan. Nire-ready ko na ang sarili ko sa tilian at kiligan ng mga taong nasa paligid ko. Baka di ko makaya ang pwersa ng pinag sama-sama nilang kilig at kiligin na din ako. Chos.

Tuesday, July 22, 2014

She's Dating the Gangster: Kilig Much?

Sorry Kurt Cobain.
Unang panood ko pa lang sa trailer ng She's Dating the Gangster nagsalubong agad ang mga kilay ko. Sa bawat instance na nakikita ko ang walang ka effort effort na peluka nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo napapangiwi talaga ako. Tapos nakita ko pa 'yung isang scene na suot ni Daniel Padilla 'yung Nirvana t-shit - badtrip talaga! Then after the trailer medyo nalaman ko na 'yung plot ng film. Nothing new. Masungit na lalake, patawang babae, panggap na boyfriend, yadda yadda yadda. Well, that's how I perceived it at least.

Then some of my friends actually wanted to see it. Sa umpisa natawa pa 'ko kasi akala ko joke, 'yun pala talagang nagyayaya sila manood. Wow, we're talking about grown up adults here - can't believe genuine pala ang kagustuhan nilang manood ng She's Dating the Gangster. Could it be medyo bias lang ako? Na-trauma sa mga ganitong klaseng pelikula like Diary ng Panget? Naapektuhan ba ng mga baduy na pinoy teleserye ang judgement ko sa movie na ito? Well, after the reviews na nariririnig ko sa paligid, She's Dating the Gangster could actually be a decent movie after all. Biruin mo 'yun?

Monday, July 21, 2014

After Glenda

"Welcome home, master Jay."
Apat na araw na walang kuryente at tubig. Wow. That just happened. Talagang mararamdaman mo ang malakas na impact ng mga ganitong senaryo lalo na kung dependent ka sa electricity at technology. Surprisingly, meron din naman good side ang mga ganitong pangyayari. Well, all of these thanks to Glenda the typhoon.

Isa sa mga pinaka naapektuhan ng bagyong Glenda ang Las Pinas. Lalo na 'yung sa bandang Admiral Village. Doon sa bahay na malapit sa court. Sa bahay na may isang batang may online work at dependent ang trabaho sa internet. Internet na dependent sa kuryente. Kuryente na nawala ng apat na araw. Grabe - ang hirap! Kung dati ang rason lang para mabadtrip sa brown out ay dahil di ka makakapanood ng paborito mong palabas sa TV o kaya di ka maka-access sa Facebook, ngayon mas malaki na ang at stake dahil without electricity - di ako makapagtrabaho. In addition, walang kuryente means wala ding tubig so talagang pahirapan ang buhay sa loob ng apat na araw na 'yon.

Saturday, July 12, 2014

Picture of the Day: Drive-thru

Achievement unlocked!
Isang achievement ang nagawa ko last week - nakapag drive-thru na din sa wakas! Kahit fries lang ang inorder parang naka big mac na rin ang pakiramdam, he he. Nagmistulang finish line 'yung crew mg Mcdo na buong giliw na kumakaway sa amin para kunin na ang aking take out na fries. Love ko 'to!

Tuesday, June 24, 2014

Sunday, June 22, 2014

Overdrive

Vios 2014 - you served me well
So natapos ko na ang 8 hour driving lesson ko. Sa tantsa ko, mukha namang may magandang resulta 'yung walong oras na 'yun - well, dapat lang dahil sayang ang pera! Anyway, kailangan na kasi talagang mag step-up and to learn this thing kasi mukhang necessity na sa mga panahon ngayon ang matutong magmaneho.

Honestly, di naman sapat ang walong oras para masabi mong "marunong" ka na talagang mag-drive. Kailangan mo ng road experience ng walang kasamang instructor para talaga masabi mo'ng may exprience ka na sa driving. At first, parang napaka-komplikado ng lesson, kasi manual 'yung kotse so kailangang pakisamahan si clutch. Once you get to understand kung bakit at kailan kailangan apakan ang clutch, you're halfway there on learning how to drive.

Thursday, June 19, 2014

Day of the Rainbows!

Just like rainbows, these three videos successfully put me in a good vibe. Funny thing is, lahat ng videos na 'to sa isang araw ko lang lahat napanood. At ang mga bida sa lahat ng videos na 'to are gays. That made it more special. What are the odds, right? Maybe it's just me but I was highly entertained! Kaaliw lang eh.

First video I found sa Facebook. Pole dancing ba kamo? Here's Pole Dancing bukid style! What a way to kick-off the party. Go girl!


Second video naman is all about Beyonce power! Galing ng choreography. Ang tataray ng mga lola mo dito, hehe.



Third video or videos is my favorite! Being a fan of the series Game of Thrones, ang lupet ng recap videos na 'to! Di lang 'yun, may cameo pa sa videos n'ya ang ibang cast ng Game of Thrones. The recap videos are just 5-6 minutes long so madali s'yang panoorin ng diretso - well, I did - ganun s'ya kaentertaining. And yes, look who joined in sa season 4 finale recap. Here's the link where you can start watching - it autoplays the next episode so you can watch until the last one. Enjoy!

Gay of Thrones Episode 1


Tuesday, June 17, 2014

Totes Annoyz!

Maganda sana kayo eh, kaya lang...
Just in case you get this ad sa youtube, give yourself a favor and quickly click the skip button. I've never been so thankful na may option to skip an ad! Unless gusto mong mag-swimming sa dagat ng kakonyohan at kaartehan, by all means, watch this and their other "Totes Amaze" ads. 

Really? This approach to promote TVolution? Nope, not working for me. Uminit lang ulo ko. Here's the complete clip of that ad. At tulad ng sinabi ko, di lang 'yan isa - may iba pa silang TVolution videos na talaga namang nuknukan ng kakikayan. There, naexplain ko na, labyu. 


Sunday, June 15, 2014

How I Met Playstation (A Father's Day Special)

Ahh.. so many memories
When was I young, masasabi kong sobrang into gaming na talaga ako. Era pa lang ng Family Computer (na kailangan ilagay sa channel 3 ang TV para gumana), isa na akong adiktus sa games! Kaya 'nung dumating ang time na nagsilabasan ang iba't ibang consoles, lalo na lang akong nalunod sa mundo ng gaming.

Then Playstation came along. It literally blew me away! Umaarkila lang ako 'nun para makapaglaro ng Playstation (or PSX) and wow - kung totoo lang si Santa Claus isang taon talaga akong magpapakabait para lang maregaluhan ng Playstation! Sadly, di naman ganon kadali 'yun. That time, napakamahal ng Playstation kumpara sa araw araw na gastusin namin sa bahay. Walang space para sa ganyang "luho" sa budget. Tamang tama lang para sa schooling namin and daily house expenses ang kinikita nina tatay sa office at si nanay naman sa maliit naming karinderya. Needless to say, I learned to forget about owning my own Playstation and just went on with my life. Tama nga naman, 'di naman s'ya necessity kumbaga.

Wednesday, June 11, 2014

Dear Bong Revilla

Kap's amazing story song
Dear Bong,

Actually marami akong gagawin ngayon eh, busy sa trabaho kaya mabilis lang 'to. Tanong ko lang, ano ba'ng nakain mo at may nalalaman ka pang music video epek sa privilege speech mo? Sabi ng kampo mo may "revelations" ka daw na pasasabugin sa speech mo pero bakit nauwi yata tayo sa karaokehan?

'Yung totoo, akala mo ba may naantig sa kanta mo? Doon sa music video na parang ang linis linis mo? 'Yung nag-aabot ka ng bigas, humahalik sa oldies at bata at kung ano-ano pa? Feeling mo parang pelikula lang 'to na matapos ang production number masaya na ulit lahat? UTOT MO.

Saturday, May 31, 2014

Misteryo ng Universe #11: Blue's Clues Mystery


Ever wondered bakit nga ba biglang nawalang parang bula 'yung host ng hit children show na Blue's Clues? Sa gitna ng sobrang kasikatan ng palabas na 'to, bakit naman pipiliin ng isang host na si Steve na iwan ang show? Ito ba'y kagustuhan n'ya? May nangyari ba sa kanya? Conspiracy? Alien abduction? Most of all... buhay pa ba si Steve? <sfx: tah-dunnnn>

Well, rejoice! <sfx: children clapping> dahil buhay na buhay ang host ng Blue's clues. Hindi s'ya nalulong sa droga at lalong di s'ya namatay sa isang car accident. S'ya lamang po ay... napapanot. Opo. Ang ayaw naman daw ni Steve na sa harap pa ng mga bata makita ang evolution ng pagkakalbo n'ya. Besides, he feels like di naman ito ang kanyang magiging career forever. Can't blame him, syempre kung saan ka masaya - 'dun ka. Here's an interview sa kanya regarding the matter (fast forward it around 3:30).


Siguro nagpapatawa lang s'ya to say na 'yung talaga ang reason n'ya why he did quit, but then again, bakit naman s'ya magpapatawa ng ganon eh di naman s'ya kalbo? <sfx: ba-dum-tsss> Well, he's getting there. Here's another related article about the matter. Good luck, Steve! Hi din daw sabi nina Paprika at Blue.

Sunday, May 25, 2014

Save Walter White

Si Walter na walang malay
Remember the kick-ass TV series Breaking Bad? Well, lately ko lang nalaman na 'yung ginawa palang website ni Walter Jr. for his dad is actually REAL! Kwela lang to know na talagang pwede s'ya ma-access online with all Walter Jr.'s thoughts about his dad. Here's the link: http://www.savewalterwhite.com/

Here's a bonus! You can also access Saul Goodman's website din pala here: http://www.bettercallsaul.com/

Monday, May 19, 2014

Tangina This

Courtesy of When In Manila 
Alam n'yo ba kung ano sa english ang salitang "Tangina"? Well, according sa website na Urban Dictionary, it is a Filipino slang for "Excuse me" and used most appropriately during meals. Now you know, hehe. May mga "use in a sentence" pa ang website na ito:

Tangina everybody, I have an announcement... 
Tangina waiter, is our food ready?

Wednesday, May 14, 2014

Remembering Super Book and Flying House

The cast of Super Book
Noong bata pa 'ko napakahilig ko sa cartoons. Lahat yata ng cartoons inaabangan ko talaga lalo na 'yung mga puno ng aksyon! Pero may dalawang cartoons noon sa gitna ng mga gulpihan, magic, at robot ang kakaiba. These two cartoons talked about religion! Pero just the same, nakaka-enjoy pa rin naman panoorin.

Just hearing the opening and closing songs ng Flying House saka ng Super Book brings back a lot of good old memories. Mga panahong di ko pa alam kung gaano kakomplikado talaga ang buhay. The age of innocence kung baga. Too bad wala ng ganitong klaseng mga cartoons ngayon. Sa bagay, in this age of kid entertainment and shit ipa-priority pa ba 'to ng mga TV stations? Syempre mas priority ang mga konseptong PBB Teens landian 24/7 o kaya mga anime na nagpapasabog ng mga planeta, hehe. Nag evolve na nga talaga ang mga kids kaya nga pati reboot ng Batibot di na din talaga pumatok. Paano ba naman wala si Pong Pagong 'dun so asa pa 'di ba?

Anyway, heto ang opening/closing songs ng Super Book and Flying House. Mabuhay ang cartoons ng 80's!



Tuesday, May 13, 2014

Picture of the Day: Bestsellers?!

Napabisita ako sa SM Southmall noong mother's day at naisipang sumilip sa National Bookstore. Ang tagal ko na din palang di nakapasok 'dun! Ano kayang bestsellers nila ngayon? Ito ang tumambad sa'kin.

One Direction and Justin Bieber? Seriously?!
Lumabas ako bookstore ng may hinagpis sa aking puso at bagabag sa aking isipan. Buset!

Monday, May 12, 2014

My Top 10 Monday Music


Lunes na naman. Karamihan sa atin sobrang badtrip pag dumating na ang Lunes. As if naman inaano tayo ng Lunes, di ba? In contrary, di ba Monday signifies the start of a new week? So dapat nga masaya pa tayo dahil umabot na naman tayo sa isa na namang umaatikabong linggo ng pagtatrabaho. Maybe it's safe to say na sa totoo lang, di naman talaga nakakainis ang Lunes - it's your work that sucks. Napagbubuntungan mo lang ang Lunes.

Okay, so given na ngang ganon. So paano nga ba magandang pansalubong sa Lunes? Well, malaking factor d'yan is music. Right, malaki impact 'nung sisimulan mong gawin ang trabaho mo with the right music! I am talking about 'yung songs na kapag pinindot mo na ang play - BOOM! Energy flows everywhere! Just like that - ganadong ganado ka na magtrabaho.

Wednesday, May 7, 2014

The World's First 24 Hour Music Video


Pahabaan ba kamo ng music video? 'Yung tipong sinimulan mong manood ng Lunes tapos Martes na natapos? Look no further! Napagtripan lang naman nitong si Pharrell Williams (di po s'ya jejemon - 'yan lang talaga spelling ng first name n'ya) na gumawa ng bente kwatro oras na music video. BENTE KWATRO ORAS. Wow. Whoo! Idol! Parang adik lang!

Anyway, ang ganda ng pagkakagawa ng music video and it really captures the essence of the song's title which is HAPPY. So visit the link below para mapanood ang malupet na music video na technically ay walang katapusan - it just goes on and on and on. Ewan ko na lang kung di ka pa ma LSS sa Happy after watching its music video. Enjoy!

http://24hoursofhappy.com/

Tuesday, May 6, 2014

A Brief Story

Last Saturday umattend kami ng debut sa Valenzuela. It was a birthday party slash reunion. Maraming relatives and sosi friends ng debutante ang dumating. Well, dahil na rin sa negligence ko, I did not know na isa rin pala itong overnight pool party, so I attended the party na walang baong pang-swimming man lang. Nakakabadtrip kasi sobrang init ng araw na 'yun at naiimagine kong ang sarap sanang lumublob sa private pool.

To cut the story short, nagpunta ako sa bayan para bumili ng mumurahing brief para lang makapag-swimming. Yup, 'yung tatlo isang daan. Feeling ko ako si McGyver (kuripot version) na nakaresolve ng isang malupit na krisis! After the program, Ginamit ko agad 'yung brief and just like that I am ready to swim, swim, swim!

Sunday, May 4, 2014

#jinetnapoles - Ronflakes

good day sunshine
Ganda na ng panaginip ko kanina! Naglalaro daw ako sa ilalim ng malamig na ulan - 'yun pala panaginip lang. At ayun na nga, nagising ako sa sobrang init. Walang tubig ulan kundi tubig-pawis lang. Sa halip na murahin ang araw sa sobrang "pasiklab" n'ya, hinablot ko na lang 'yung gitara at gumawa ng impromptu na kanta. Ladies and gentlemen, #jinetnapoles.



#jinetnapoles

34 degrees
nagising puno ng pawis
naglalaro sa ulan
'yun pala'y panaginip lang

init naman dito
parang impyerno
init naman dito
sarap maligo

Tuesday, April 22, 2014

Thursday, April 17, 2014

Diary ng Panget (The Movie): Ampanget


Treat this as a public service entry - huwag n'yong sayangin ang pera n'yo sa pagnood ng pelikulang ito. Kung meron kayong perang pang nood ng sine, gamitin n'yo na lang ang perang 'yan sa pagbili ng siomai, burger meal, o kaya ilagay n'yo na lang sa alkansya n'yo. Tama, kahit wala kang alkansya - it's time to make one! You will surely thank me later.

Kung di mo pa napapanood ang film na ito - binabati kita. Pwede mong ma-enjoy ang lenten vacation ng walang gumugulo sa iyong isipan. Walang mga bangungot na eksena sa iyong pagtulog. Pero sa mga katulad naming napanood na ang pelikulang ito, it's too late. Ang magagawa ko na lang ay babalaan ang mga taong pwede pang mabiktima ng Diary ng Panget the movie. Sa bagay, kinokonsidera ko na lang na penitensya ang pagkakapanood ko sa film na ito. That's looking at the bright side.

Wednesday, April 16, 2014

Picture of the Day: We're in Abbey Road!

Salamat sa kaibigan kong si Floid at sa kaibigan n'yang si Laurice at naipasama ang aking pangalan (and my wife's) sa pader ng Abbey Road Studios. I'm such a Beatle fan and having our names written on that vandal infested wall is such a thrill! Di man kami makapunta doon in person, at least nauna na mga pangalan namin 'dun. Pero kids, masama ang mag vandal ha, hehe.

The Ballad of Ron and Judy

Thursday, April 10, 2014

Bang Bang Alley: Brilliant Dark Stories


If you are planning to watch a movie, go watch Bang Bang Alley. Sa panahong madalang pa sa patak ng ulan ang mga lumalabas na de kalidad na pinoy films, isa sa mga hidden gems and pelikulang ito. It's a beautifully crafted movie. Alam mo agad na pinag isipan ang mga istorya at hindi basta basta ginawa para sayangin ang pera ng isang expecting movie goer.

Maarte ako sa pelikula. Lalo na siguro pagdating sa pinoy films. Nakakadala kasi! Minsan kahit mga direktor na alam kong de kalidad gumawa ng pelikula napapansin ko minsan kinakain na rin ng kumunoy ng sistema. Nawawala 'yung art, eh. Puro na lang pagkabig ng kita ang laging priority. Going back to Bang Bang Alley, alam n'yo bang maituturing na mga baguhan sa larangan ng pinilakang tabing ang mga direktor ng pelikulang ito? It's not that wala silang experience (dahil di naman halata), it's just that this is like their debut sa main stream film production. At huwag ka, their film exceeded my expectations ng sobra sobra!

Wednesday, April 9, 2014

RIP Ultimate Warrior


Noong mga panahong di pa uso ang UFC patok na patok ang WWF (World Wrestling Federation). nandyan na 'yung nakikipagdebate ka pa sa kaklase mo kung scripted ba talaga 'yung wrestling o hinde. Apparently, kahit naman obvious na peke nga, there's no doubt na marami pa din ang enjoy na enjoy sa pag- uumpugan ng mga biceps ng mga wrestlers na ito. Ngayong WWE na ang pangalan ng WWF at di na sila ganon masyado kasikat tulad ng dati - nagulat at medyo nalungkot pa rin ako sa nabasa ko sa internet, particularly sa article na ito from WWE mismo:

Sunday, April 6, 2014

E-Turista Dos


Isang munting balik tanaw sa isang masayang byahe na itago na lang natin sa pangalang Magical E-Story Tour (A.K.A. The E-Tour). Simpleng pamamasyal sa kung saan saan tracing back traces of Eraserheads history. This is the second time na nangyari ang tour na 'to though sa una iilan lang ang kasali. This time, di lang dumoble o triple ang dami ng mga E-Turistas kundi MAS lumobo pa!

More than the destinations, it's always the trip that matters. The nameless souls you met online - finally, nakita ko na ang mga mukha (or karakas in Tondo language). In short, masaya  ang byahe pero lalong mas masayang makilala ang mga makukulay na byahero at byahera ng field trip na ito. We've been to Marikina, QC, Pasig, at kung saan saan pa and it is just all too much to capture all the wonderful memories in one short video. So here, isang munting pagpugay sa mga men at women, boys and girls, behind this E-Storical Lakbay Aral Trip. Enjoy!

Saturday, April 5, 2014

Misteryo ng Universe #10: Car Shows

Wow, ganda... uhm, 'nung kotse syempre, anukaba!
Ahh car shows. One event na talaga namang dinadagsa ng car enthusiasts at mga photographers. Kahit saan ka lumingon ay naglipana ang magagara at pinakabagong labas na mga kotse. Kaliwa't kanan din ang shots ng nagsisilakihang mga camera. Pero pansin ko lang, bakit kapag nakakita ako ng photo album ng isang car show sa facebook, parang di yata cars ang nakikita kong laman. Instead - BOOM - puro 'yung naggagandahang models 'nung cars. Naisip ko na baka nagkakataon lang pero hindi eh - consistent talaga! Minsan zoomed in pa nga sa mukha ng model so imposibleng 'yung kotse talaga 'yung subject.

Admittedly, may panaka-nakang kuha din naman ang mga sasakyan, mga 10 out 50 pictures. Dahil bukod sa solo shots ng models, may kasama pa 'yang shots ng photographer WITH the models. Then again, this of course does not apply to all and maybe it's just me that when I see car show albums in facebook - ibang show ang nakikita kong pictures sa loob, hehe. It's a car show album? Suuuuuuure.

Saturday, March 22, 2014

Picture of the Day: Shine Like a Diamond


Isang malaking congratulations muna sa aking maybahay for winning one of the "brightest diamond" award for 2014. Ansabe ni Rhianna di ba? I'm so proud of you luvski at dahil d'yan ikaw ang magpapa-gas ng kotse bukas! NYAHAHAHA! 

Monday, March 17, 2014

Wardrobe Malfunction

"Pwede na bang mag-exhale?"
Last Friday nag-decide kami ni misis na medyo bumalik sa daang matuwid patungo sa kalusugan. Jogging. Yup, jogging sa umaga. Napakagandang idea, di ba? Bonding na with wife and friends tapos very beneficial pa sa katawan 'yung jogging. Plus, you get to see nature habang tumatakbo sa park. Dahil nga confined lang naman ako sa bahay almost all the time - I was excited to run and explore the outside world!

So dumating na ang time ng pag-prepare. Ganda ng get up ni Judy dahil swak 'yung new shirt n'ya plus 'yung bago n'yang running shoes na talagang designed daw sa running style n'ya. Bagong damit, bagong sapatos - papatalbog ba naman ako? Binuksan ko ang aparador and it's my turn to shine! Ayun, awa ng Diyos 15 minutes na yata ako naghahalungkat ng masusuot for jogging wala akong makitang swak sa pagtakbo. Everytime na magpapalit ako ng damit at haharap sa salamin mukha lang may bibilhin sa tindahan 'yung datingan ko. Bakit ganon? 'Yung mga dating sinusuot ko for jogging bakit parang di na yata bagay sa'kin? At ako ay sinampal ng isang masakit na realization - parang may bumulong sa tenga ko ang sabi "Ang taba mo na kasi, boy..."

Friday, March 14, 2014

Misteryo ng Universe #9: Eczema vs Eksema


Napanood n'yo na ba 'yung commercial ni Maricel Laxa-Pangilinan about eksema?

So kumakain ako ng tanghalian ng biglang ipalabas yang commercial na 'yan. Napansin ko lang, bakit kaya kapag s'ya na nagsabi ng eksema parang ang sosyal na ng dating? Parang ang eksema ay isang uri ng skin condition na pang-mayaman lamang. 'Yung tipong pwede kang humirit ng "Hey guys, look at my new eczema" in a konyo manner and it would sound really really cool. Could it be sa delivery? Sa tamang rolyo ng dila? O sadyang mabantot lang talaga sa tagalog ang ilang mga english words? Eczema versus eksema. Haay, napakasarap ng tanghalian ko with these beautiful thoughts. Nomnomnomnomnom.



Wednesday, March 12, 2014

Star Awards Selfie


 Remember this awesome selfie sa Oscars? Guess what!


TSARAAAAAAN!!! Kakatuwa e no? Naaaapaka original. Super! Swabeng swabe lalo na 'yung mukha ni Ai-Ai na di na nagkasya sa screen yung baba. *facepalm*

Tuesday, March 4, 2014

Misteryo ng Universe #8: AnneKapal Concert


Nangilo yata ngipin ko 'nung narinig ko na magkakaron ulit ng concert si Anne Curtis. 'Yup, another concert! Bakit hinde? Daming nanood eh. I emphasized "nanood" kasi I don't think they were there to listen primarily. Weird lang talaga 'no? Bakit 'yung ganito patok na patok habang 'yung ibang artists natin kulang na lang mamigay na lang ng albums nila just to be heard. Mapapa facepalm ka na lang talaga minsan sa kung anong standards meron ang pinoy, eh. Ang labo!

Narinig n'yo na ba si Anne kumanta? Kung hindi pa, well, binabati kita and just keep it that way. Some people may find it entertaining pero I just plainly find it annoying. Sana mabigyan din ang ibang deserving artists ng chance - kahit 1/4 na lang ng chance na binibigay nila kay Anne para naman medyo mabuhay-buhay ang dugo ng OPM. Nothing against Ms. Curtis dahil wala naman s'ya fault - the crowd just loves her. Saka ano ba naman 'tong nirarant ko eh di naman malayong magka part 3 pa 'yang concert n'ya. Isa sa mga realidad sa universe na alam mong nag-eexist pero naaaaapakahirap lunukin.