Sunday, December 29, 2013

Anderson Silva: The Leg Breaking Defeat

Kaninang tanghali nakatanggap ako ng texts kung meron daw ba akong alam na live stream ng Silva - Weidman UFC match. Weird. Dahil nanggaling ang mga tanong na 'to sa mga taong di naman ganun kahilig sa UFC pero bakit kaya gustong gusto nila mapanood ang UFC today? Meron ba'ng something? Apparently, meron nga and the video link below (hopefully it's still up) says it all.


Saturday, December 28, 2013

Dear Tita Cherry

Hi Tita,

Unang una sa lahat gusto ko mag thank you sa isang taong pinagsamahan natin. Di mo ko binigo sa mga expectations ko sa'yo. Ikaw ay naging isang mabait. masunurin, at dependable na telepono. Remember ginawan pa kita ng review? Truly, I will miss your amazon beauty and build. You've been such a gentle giant.

If meron akong micro complain, siguro yun na yung di kita mabulsa. Sa laki mo kasi, kailangan kong magdala ng maliit na bag all the time to carry you around. Okay lang naman sa simula, pero napansin ko lang na lahat na yata ng picture ko sa 2013 eh may nakasabit akong bag sa katawan. Trademark? Anyway, maliit na concern lang naman yun aside sa fact na na-mimiss ko na din magtext using just one hand.


Tuesday, December 24, 2013

Picture of the Day: Happy Birthday Bro!

Straight from FB - pati ang font at smiley
Kahit di mo birthday lagi mo kami bino-blow out ng blessings. Pati birthday mo, ginawa mo'ng everybody's birthday. Kaya ngayong 25 - HAPPY HAPPY BDAY BRO at salamat sa araw araw na "blow out"  cheers!


Monday, December 23, 2013

Bawal sa Mall

Hinihinalang leader ng Martilyo Gang
Kumakailan lamang ay naging laman ng balita ang notorious na pagbabalik ng Martilyo Gang sa North Mall kahit na Christma season na at super dami ng tao. Indeed, wala na nga silang takot at parang naging pabor pa ang crowd sa kanilang successful getaway. Ibang klase talaga.

As usual, sabay pasok na naman sa eksena ang pulisya AFTER ng insidente. Yup, parang klasik action flicks na kung saan darating lang ang mga parak na balot ng leather jackets sa gitna ng tanghaling tapat. Anyway, ang mga natatalinong utak ng ating pinagpipitagang mga pulis ay nakaisip na ng solusyon sa mga ganitong klaseng pagnanakaw.

Tuesday, December 17, 2013

5 Tips About Caroling


It's that time of the year again! Naglipana na naman ang mga batang mag-iingay, este, mangangaroling sa tapat ng mga bahay natin. Are you ready?

Remember, ang pag-handle sa mga nangangaroling takes patience and art! Minsan kapag di ka sanay makipag-deal sa kanila, pwede ka nilang maisahan. Christmas is all about giving pero it's also about knowing how to give :) And since 'tis the season to be jolly, here are the 5 things you should know about our beloved carol-ers.

Saturday, December 14, 2013

The Wedding Anniversary

At dahil first ever anniversary namin ni Judy, I decided to make her a special video. I shot this video somewhere in Korea (a park called Sandara) at inarkila ko din ang batikang mang aawit na si Johnoy Danao. Kumakanta s'ya habang ako naman ay busy sa pagkuha ng mga "cinematic" shots sa park. Isang araw lang ako sa Korea so di nahalata ni Judy ang absence ko. Anyway, here's the video, enjoy!


Friday, December 6, 2013

Revisiting Meteor Garden

Eto ang orig na Metor Garden
Kahit saan ka lumingon ngayon walang kaduda-duda na Korean invasion is here! Mapa pormahan, tv shows, o kahit sa mga tourist spots natin imposibleng walang bahid ng Koreans. Kahit nga yata di naiintindihan ang kanta, basta K-POP, ayos na 'yan! Speaking of singing without knowing the actual meaning of the songs - guilty din naman ako d'yan, pero hindi dahil sa K-POP kundi dahil sa isang Taiwanese teleserye sensation - Meteor Garden!

Sunday, December 1, 2013

Postcard of the Day: 5 Signs of Christmas

Limang sinyales na malapit ng mag-pasko.

1. Ultraelectromagnetictrapik.
2. Sandamakmak na SALE.
3. After ng TV Patrol may magsasabing "X araw na lang, pasko na!"
4. Dadami na naman ang magkakape dahil sa Starbucks planner
5. Paniguradong maririnig mo ang "Christmas In Our Hearts" by Jose Mari Chan


Sunday, November 24, 2013

Picture of the Day: Langhap Sarap Champ!

Kain-kain din pag may time.
Ganyan kasarap ang champ burger w/ gloves ni champion Manny Pacquiao. Kitang kita namang halos mabulunan na si Rios sa pagkakangasab, hehe. Extra spicy 'yan courtesy of Roach! Sabi ko sa'yo kakainin mo lahat ng sinabi mo eh - 'yan kinain mo na nga. Pakibigyan na din 'yung conditioning trainer mo na ang lakas pumatol sa matandang may sakit. Hati kayo d'yan sa champ burger, hehe.

This shot was brought to you by Jollibee, este, Philstar pala.


Pacquiao - Rios Live Stream

Pwede silang boyband members sa isang alternate universe
Walang traffic. Walang krimen. Humuhini ang mga ibon sa langit. World peace. 'Yan ang magaganap ngayon dahil may laban na naman ang pambansang kamao nating si Manny Pacquiao. This time around, rematch sila ni Rios. As you know, nakatikim ng tadyak si Freddie Roach sa trainer ni Rios a few days ago kaya naman parang interesting mapanood 'tong laban na 'to.

Kaya maghawak kamay tayong lahat (mala-Catching Fire) at mag-cheer kay Pacman! Pwede n'yo s'ya panoorin sa local channels natin pero malamang tapos na ang laban nasa round 1 ka pa lang. So halimbawa nag-cecelebrate na ang buong Pinas tapos ikaw natetense pa sa harap ng TV.

Just Caught Fire

Every revolution begins with a spark
Catching Fire. Mahusay! Though na-bore ako sa unang Hunger Games, dito sa pangalawa (na 2 and a half hours ang haba) I really liked it. Pumasok ako sa sinehan ng may di kataasang expectation pero lumabas ng may ngiti sa mga labi. Well, I read a couple of reviews and they were right to say na enjoyable nga 'yung film.

Parang sa SM South yata dalawang cinemas lang ang hindi Catching Fire ang palabas. 'Dun pa lang alam mo ng in demand ang film na 'to. It's not all hype at all. Unlike Thor part 2, na I was a bit disappointed, Catching Fire is deserving na bwakawin ang mga cinemas ng SM. So why made it good?

Saturday, November 23, 2013

Xbox 360 Memories

Gamer tag pa lang panalo na
So the Xbox One officially launched. BOOM! Just like that we now refer Xbox 360 as a "last gen" console. Grabe, parang kelan lang parang ang Xbox 360 ang pinaka high-tech na gamit  ang meron ako. Para s'yang isang bagong kakilalang kaibigan na napakadaming kwento. 'Yung tipong mahirap mainip kahit s'ya lang kasama mo. Pero when you play with your friends with it - it's actually way cooler!

At ngayon na may bago ng bida ang Microsoft sa katauhan ng Xbox One, unti-unti ng mamamaalam ang Xbox 360 sa eksena. It may not be instantly - pero it will surely happen gradually. With that, hayaan n'yo muna akong mag-senti sa mga memories namin ng Xbox 360. Here are some of my fond memories of 360.

Sunday, November 10, 2013

Nagsimula sa Panaginip

So nanaginip ako kagabi ng isang magandang panaginip. Bumili daw ako ng "scratch it" sa isang lotto stand at tumama ng 200,000 pesosesoses! Ang saya ko daw sa panaginip ko kasi ba naman kumiskis lang ng card nanalo na ng 200k di ba? Di ako mahilig sa ganun pero jackpot agad!

Pero tulad ng pangarap kong magkaron ng six-pack... ako'y nagising sa katotohanag nanaginip lang pala ako.

Thursday, November 7, 2013

Ate, Ate... Anyare? (Chapter 3: The Napoles Memory)

Ang Nakaraan (tinginingininginginingining...):

I'm stuck sa isang trip sa pagtakas sa zombie apocalypse. Sa loob ng bus kasama ang iba't ibang personalidad na pinangungunahan ng driver naming si Miriam Defensor Santiago, we managed to escape EDSA. Lingid sa kaalaman ng lahat na ang katabi kong si Nora Aunor ay infected at kasalukuyang natatakam sa braso ko. Feeling n'ya ata brazo de mercedes ang biceps ko (ba-dum-tsss!).

CHAPTER 3: The Napoles Memory

Habang turbo ang takbo ng bus namin, naghihiyawan naman sa saya ang mga bus passengers! Feeling fiesta sa bus! Nag-apir ang Teng brothers, sina Kris at James Yap nag-hug, nag group hug din sina Tito, Vic, and Joey. Kahit saan ako tumingin ay punong puno ng pag-asa. Well, of course maliban kay Nora Aunor na mahigpit pa din ang kapit sa braso ko at parang nagdedeliryo na. Gusto kong pumalag pero baka biglang ngasabin ang braso ko. Gusto ko din signalan si Robin sa pamamagitan ng eye contact pero lahat sila busy sa kaka-disco sa bus. At nangyari na nga ang kinakatakutan ko - tuluyan ng naging zombie si Nora!


Huling selfie ni Nora bago maging zombie

Sunday, October 27, 2013

The Kagawad Face-off

At dahil barangay election na bukas - handa na ba kayo sa salpukan ng mga kandidato? Akala mo pang senado ang eleksyon kung mangampanya ang mga kandidato. Kanya-kanyang rendition ng kanta at pakulo. Malupit n'yan, sa ibang lugar sa pinas, ang taas ng barangay election related death counts. O di ba? Pati sa pinakamababang pwesto sa pulitika nuknukan ng dumi talaga. Iba talaga kapag kapangyarihan na ang pinag-usapan. Kahit saang antas, applicable pa rin talaga ang term na "dirty" politics.

On the lighter side of the election, nakakatawa din naman talaga ang ibang kandidato. Specifically 'etong dalawang kagawad wannabes na natisod ko sa facebook. Kung ikaw papipiliin, sino sa kanila ang kagawad na karapat-dapat sa barangay mo?

Click to enlarge

Sunday, October 20, 2013

The Birthday Getaway to Acuatico! (Part 3)

After sa pool - it's beach time!

Maganda din ang view sa beach - maybe it's because of tke korean bodies? The roaring waves? Well, two things ang pinakanagustuhan ko sa beach ng Aquatico. Una, is when I saw Ron na parang sira ulong nagpapaka Titanic survivor sa buhangin. Palibhasa di marunong lumangoy sa tubig kaya sa buhangin nag breast stroke. Ogag lang no?

Frustrated swimmer

Thursday, October 3, 2013

Panawagan sa Kinauukulan (Updated)

Since identified na ang mga salarin - let's settle for this less diturbing picture
Di ko maisip kung anong kademonyohan ang pwedeng sumapi sa mga sira ulong 'to para ganituhin ang isang walang kalaban-laban na tuta. Naka drugs ba 'tong mga to!? Parang mga ritwal sa kulto kung apak apakan ang tuta. Nadudurog 'yung puso ko kaya di ko na kinayang panoorin ng buong-buo ang video - sapat na ang mga nakita ko at sa dulo tuluyan na ngang di nakayanan ng tuta ang kawalanghiyaan ng mga hayup na 'to. Sila ang tunay na HAYUP sa ginawa nila.

Kaya sana ay mabigyan ng parusa ang tatlong babae sa video at yung kumukuha ng video. Sana makaabot sa may kapangyarihan ang video at mamukhaan ang mga salarin. Hindi dapat tinotolerate ang ganitong kaharasan sa mga hayup - lalo na't sa isang wala namang threat tulad ng tuta sa video. Kung ginawa nila ito out of magpapansin - well, well done! Dahil nakuha n'yo talaga ang pansin ko at ng maraming tao. Let's see kung matuwa kayo sa kalalabasan ng pagpapapansin n'yo. Batas na ang bahala sa inyo.

Wednesday, October 2, 2013

Rise of the Pinoy Flicks

A scene from Mga Kidnapper ni Ronnie Lazaro
Pansin mo ba na lately blooming ang pinoy movie scene? Mukhang nagbunga na din ang walang humpay na pakikipaglaban ng mga pinoy artists para i-promote ang sarili nating galing pagdating sa paggawa ng mga pelikula. Kung dati parang matumal pa sa patak ng ulan ang datingan ng magagandang pinoy films na labas sa kahon ng usual genre na kung anong meron tayo (comedy, horror, drama, etc.) - ngayon parang pumapatak na ang ulan ng magagandang pelikulang pinoy.

At isa ako sa tuwang tuwang naliligo sa buhos ng ulan! With matching swimming pa sa baha, hehe.

Saturday, September 21, 2013

The Birthday Getaway to Acuatico! (Part 2)

Inside our pool side room
So nauna na nga kami ni Judy sa kwarto. Si Ron ay nag si-sight seeing pa din sa labas kaya for now, sana  maka-diskarte na 'ko kay Judy, hehe. Feeling ko talaga mutual ang feelings namin, eh. Ang dami kong ka-tropang minions pero talagang ako pa ang pinili n'yang isama di ba? Well, technically si Ron ang nagsama sa'kin pero for all we know baka si Judy pala may suggestion 'non. ANYWAY, heto ang sandamakmak na gamit namin sa ibabaw ng kama (hanapin n'yo ko! hihihi...)

Friday, September 20, 2013

Friendster Memories (Part 2)

Part 2 ng mga ilang inaagiw na articles ko written noong Friendster era. Yup, noong mga panahong estudyante pa lang si Mark Schurzerhbvergzzz - basta, 'yung founder ng Facebook. Nasulat ko 'to noon out of frustration sa isang kaibigang "muntanaga" na sa isang relationship. This goes out to all the GOMBURZA ladies out there!

Parang gusto ko ng maniwala na mas mataas talaga tolerance ng babae compared sa lalake pagdating sa pain. And I'm not just talking about physical pain - but emotional pain.

I am sure may kakilala kayo na the day before iyak ng iyak kesyo di na nya kakayanin trato sa kanya ng bf nya, na she deserves better, etc. Mababakas mo ang poot nya dahil pati sa facebook, twitter o friendster (sumalangitnawa) binroadcast nya ang SAKIT ng nararamdaman nya. Yeah, for all the world to see. Pag nakakakita ako ng mga ganyang status sa facebook I always read them as if the author is screaming at the top of her lungs (NO, not "what's going on"). Paano, sa totoong buhay di nya mailabas ang sama ng loob nya kaya sa cyber life na lang sya nagsisisigaw. Mas madali pero unrealistic.

Sunday, September 15, 2013

Goodbye, Ashong...


Today is a sad day. My favorite cat Ashong just passed away 30 minutes ago.

An hour ago nagmamadali kami sa pag uwi dahil nagtext si mama na parang bumabagal na ang paghinga ni Ashong. This past few week kasi medyo naging maraming sakit si Ashong. Nandyang parang may UTI s'ya tapos a few days ago parang naduduwal na hindi naman mailabas ang gustong ilabas. Ilang beses na rin kaming kumunsulta sa ga vets, dinadayo pa namin kahit malayong vet para lang maipagamot si Ashong. Pero baka nga though it may seem too early, it's his time.

Wednesday, September 11, 2013

The Birthday Getaway to Acuatico! (Part 1)


Hi, ako nga pala si Tim Giggle Grabber. Tim na lang for short. You might remember me sa pelikulang Despicable Me and sa Mcdo collectibles na nagpa-baliw sa maraming pinoy. Today, I will share sa inyo ang isang documenrary na ginawa ko kasama ang dalawang taong malapit sa aking puso - sina Ron and Judy. Malapit sila sa akin dahil of all the minion toys na nakuha nila from Mcdo, ako ang napili nilang "starring" sa dokyu na ito. Sweet no? Biruin mo ako ang bida samantalang si Ron ang may birthday - hanep!

So here it is, the birthday getaway documentary with Ron and Judy.

Friday, August 30, 2013

Dear Janet Napoles


Dear Janet Napoles,

Hi... as in "Hi"-yup ka rin eh no? Sumuko ka nga pero naka aircon dapat ang kwarto. Ganyan talaga, teh? Oo, ni hindi nga selda kulungan mo eh. Kwarto na may sofa pa! Lupet mo dre! IDOL ka talaga! 'Yung isang magnanakaw na nagnakaw ng magkano lang para sa pamilya deretso sa masikip at mainit na kulungan pero ikaw na sandamakmak ang ninakaw sa taong bayan nasa malamig at komportableng "kulungan"?

OKAY. Di ka pa pala nalilitis. Isa ka pa palang suspek. Saka parang medyo na high blood ka daw at bumilis ang heartbeat mo so kailangan huwag ma-stress. Sige, fine, sa ikapapanatag ng kalusugan mo by all means, mag-stay ka sa isang comfy na lugar. Total marami ka naman ibubulgar di ba? Sige lang. Para na lang wala kang mai-excuse na kesyo nagkaron ka ng health problem at kailangan ma-confine o kung ano-ano pang bullshit na palusot tulad ng ginawa ni Arroyo. PLEASE lang, huwag mo na sana gayahin ang ganung delaying tactics. Okay lang na magpakalamig ka ngayon kasi alam naman natin na ilang taon pa na sa mainit-init ka din mapupunta.

Saturday, August 24, 2013

The Importance of Angles

Sometimes our eyes deceive us. Sometimes things aren't actually what they seem. Sometimes it's all a matter of perspective. Sometimes it all depends on how you see things. Sometimes beauty is in the angle of the beholder.

Now I present you - The Importance of Angles.

Tuesday, August 20, 2013

Friendster Memories (Part 1)

Nahagilap ko lang sa archives ko from the year 2007 sa month din ng August. Nakakatuwa lang na ito pala ay ilang taon ko na ring nasulat. Ito ay para sa mga taong inuulan at binabaha ng kasawian.

First entry, a new beginning. Pero pag may beginning may ending. Sad truth but everything ends. Kahit films na sandamukal ang sequels natatapos din (except for shake, rattle and roll na walang nakakaalam kung kelan matatapos). At ang pinaka malupet na proof nito is.. kahit ang love na akala mo na maglalast forever also ends.. minsan pa nga earlier than what you’ve expected. Sabi nga nila fairy tale lang daw ang love na flawless. Sigh.. nakakalungkot lang na kahit binigay mo na minsan ang lahat, eventually, you still end up alone, clueless at nagtatampisaw sa kanal ng lumbay.

Saturday, August 17, 2013

Maja's Home Cafe Review

May "Use your instincts" pang nalalaman eh no?
Salamat sa group buying expertise ni misis at nakarating kami kahapon sa isang mumunting kainan sa may bandang BF Homes, Paranaque. Isa s'yang simple at cozy na "home cafe" na talaga namang may tinatagong sarap-de-gulat.

Maja's Home Cafe. 'Yan 'yung pangalan 'nung place. At first, I was a bit skeptic kasi parang nasa isip ko, ano pa ba ang posibleng maging bago sa experience na 'to? Pero to my surprise, I was surprised! Teka, gulo yata ng statement ko na 'yun. ANYWAY, my point is - it's been a while since I have tasted food na ganitong may "something" different - in a VERY good way.

Sunday, August 11, 2013

Few Songs From Eheads SG 2013

Thanks to Joel and Uly for this wonderful video! This is a clip from their concert sa Singapore just a while ago. Haay.. ibang klase talaga ang bandang 'to! Thank you for the inspiration at sa ilang taon ng musika. Enjoy!





Friday, August 9, 2013

The F*ck Did I Just Play?

So I was browsing for some games to play online. 'Yung mga tipong inspiring at kakaiba naman to get inspiration and actually learn something from it. Gusto ko 'yung parang feeling na nakapanood ako ng isang malupit na indie short film. Maigsi. Swak. Kakaiba. Lakas ng tama!

I need this immersion sa ganitong mga klase ng games since I am actually interested in broadening my konwledge sa game designing. I have always created small scale games so why not explore more sa field na 'to? Anyway, working at home gave me this luxury of researching more about game designing. So mabalik tayo sa game hunting ko online. Yes, I found games na talaga namang kakaiba. Weird pero may kakaibang darkness. These are just uber short games na kayang kayang matapos within 5 minutes. Believe me, you won't regret experiencing these games. Here they are:

Monday, August 5, 2013

ABC News (Anne, Bamboo, Chito)

Showbiz mode muna tayo mga sisters pre!

Natuwa lang ako kasi sakto naman sa acronym na ABC ang mga celebrities na matatalakay natin ngayon. A is for Anne Curtis, B for Bamboo, and ang pinaka latest buzz na si Chito Miranda for letter C. Kaya tabi na muna kayo Christy Fermin at Pia Guanio... ako muna ang chichika minute, hehe.

Sunday, July 21, 2013

Bye Bye Chu Chu

I would just like to share my wife's heart felt letter to her 15 year old dog (105 dog years) na kakamayapa lang this Friday. I myself witnessed kung paano mahalin ni Judy at ng family n'ya ang asong nakasama nila mula pagkabata hanggang sa ito'y naging lolo na - si Chu Chu. Nakakalungkot talaga mawalan ng isang alagang naging sobrang malapit sa'yo at hanggang sa huli ay kapakanan mo pa rin ang iniisip.

Let's read Judy's open letter to his ever loving dog, Chu Chu:

Wednesday, July 17, 2013

High Tech Pinoy Police Car Explosion Demo

Tunay ngang napakalayo na ng narating ng ating mga pulis pagdating sa teknolohiya. Sino ba namang mag-aakalang darating ang araw na di lang natin napantayan ngunit NALAMPASAN pa ang ibang mga bansa sa paggamit ng modernong kaalaman sa pag re-recreate ng isang scenario gamit ang mga makabagong gadgets na dito lamang sa Pilipinas matatagpuan.

Sa sistemang ito, makikita ng sobrang linaw at detalyado ang mga bawat anggulo sa isang crime scene. Isang halimbawa na nga itong ipapakita ko sa inyo na napulot ko from Creative Manila. Ito ay isang demo ng isang car collision na talaga namang ako'y namangha sa sobrang pagka high tech! Mahihiya sina Steven Spielberg at ang iba pang Hollywood special effects director sa husay ng pagkakagawa ng demong ito. Halina't panoorin natin.

Thursday, July 11, 2013

Pilipinas: Balat Sibuyas

So nabasa ko na nanggagalaiti na naman ang ibang pinoy dahil sa pinalabas ng Warner Bros. na promo image from the movie Pacific Rim. Ito po 'yung image:

In tagalog - Jumbo ebak ng halimaw sumemplang sa Manila
Dahil nga nasa Pacific tayo malapit, isa tayo sa naging kubeta ng isang monster sa movie. Offensive daw 'to since parang bakit Pilipinas pa? Bakit di na lang fictional na lugar? Bakit daw kapag madumi at mabaho doon laging nai-incorporate ang pinas? Ganon din nangyare sa Bourne Legacy, sagwa daw ng mga pinakitang areas sa Manila. Sa new book naman ni Dan Brown, sinabing ang Manila ang "gates of hell". Well, ang masasabi ko lang - minsan masakit talaga ang totoo.

Wednesday, July 10, 2013

Four Movies and a Review

It's been a while since I reviewed movies na napanood ko sa torrent sa sinehan. So might as well compile all the movies na napanood ko sa big screen recently and review them all in one post. Use this to decide kung dapat n'yo ba panoorin ang movie sa sine (kung showing pa) o i-download na lang abangan na lang na ipalabas sa TV (in tagalog version BABY!!!).

These films are in order sa kung kelan ko napanood ang mga movies na 'to with my wife. I will also insert my wife's review sa mga movies na 'to judging by her reaction sa sinehan. Let's go!

Saturday, July 6, 2013

Candy Crush Unlimited Lives

All those sleepless nights...
So here it goes - ang pinaka-iingatang lihim sa likod ng larong Candy Crush Saga finally revealed! Posible nga bang magkaroon ng unlimited lives sa Candy Crush? Pwede bang dumating ang araw na di mo na kailangang magsend ng life requests sa mga kaibigan (at di gaano kaibigan) sa Facebook para lang magkaroon ng additional lives? Oh yeah.. kahit mga taong limang taon mo ng di nakakausap ay dito mo lang matatagpuang kumakatok sa pintuan ng iyong puso para manlimos ng lives - and vice versa of course.

Well, the legend is TRUE. Not sure kung alam na ng karamihan 'to but judging from the number of Candy Crush life requests I get - parang hindi pa s'ya general knowledge. Last time I checked this technique still works so walang sisihan kung di gumana bigla sa inyo, hehe. Di ko sana ise-share ang "technique" na ito pero since di na namin masyado nilalaro ni misis ang Candy Crush, pwede ko na s'ya ngayong ipasa sa susunod na henerasyon ng mga adik players ng Candy Crush. So behold! Ito na ang secret for "eternal" lives sa larong ito.

Tuesday, June 25, 2013

Ate, Ate... Anyare? (Chapter 2: The Miriam Express)

Ang Nakaraan (tinginingininginginingining...):

Nagising ako mula sa isang panaginip. Pagkagising, natagpuan ko na lang ang aking sarili sa loob ng isang public bus katabi ang superstar Nora Aunor. Sinubukan kong bumaba ng bus sa paniniwalang panaginip pa din ang ang lahat ng ito. Pinigilan ako ng konduktor na si Robin Padilla. Di ko s'ya pinansin pero di pa rin nakababa ng bus dahil ayaw buksan ng bus driver ang pintuan ng bus. The bus driver is no other than Miriam Defensor Santago.

CHAPTER 2: The Miriam Express

Mga dalawang minuto din akong parang istatwang nakatayo lang sa tapat ng exit door habang nakatitig kay Miriam Defensor Santiago. Cute n'ya pala kapag naka bus driver uniform. Para akong napatingin kay Medusa dahil nanigas ang buong katawan ko sa lakas ng dating ni Miriam.

Thursday, June 13, 2013

District 5 - Sarap Kutusan!

Nawala ang smile sa mukha ko dahil sa kanta n'yo
Actually, marami rami akong ginagawa ngayon. Medyo maraming trabaho. Pero di kaya ng konsensya kong palampasin ang isang karumal dumal na krimeng napakinggan ko kanina lang. May nag-revive kasi ng With A Smile (ng Eraserheads). Boyband ang kumanta pangalan District 5. Okay, di naman ako judgemental so binigyan ko ng chance. Pinakinggan ko. Anong verdict?

Sabihin na lang nating pagkatapos ng kanta, dahan dahan kong inalis ang earphone sa duguan kong tenga at dumiretso ako sa kama. Di ako natulog. nakahiga lang tulala. Nakatitig sa kisame. Unti-unti na lang tumulo ang luha ko habang nakakuyom ang kamao. Sa isip ko, di pa ba sapat ang isang Chicser? Kailangan pa talaga ng isa pang kalapastanganang boyband? Sa isip ko habang tulala - ito na nga yata ang ang simula ng paggunaw ng mundo. Mundo ng musikang Pilipino.

Saturday, June 8, 2013

Paalam Pugad Baboy

The contriversial strip
Ito ang comic strip na nagpa-resign sa isa sa pinaka idol kong cartoonist mula noon hanggang ngayon - si Pol Medina, Jr. Yes, he has officially resigned kahit sobrang tagal na n'yang naging contributor sa Daily Inquirer. Alam ko 'to dahil sa comic section agad ako pumupunta kapag may Inquirer sa bahay. Sa kinapal-kapal ng dyaryong 'yon, yung Pugad Baboy strip ni Pol ang hindi ko pinapalampas!

'Nung college ang dami kong kaklaseng kumukumpleto ng Pugad Baboy comic books. Di ko alam kung naka-ilan na ba s'yang series pero bawat labas 'nun super kwela talaga. Sa National Bookstore kapag may natyempuhan akong Pugad Baboy comic book na wala sa plastic - YARE! Libreng basa, hehe. Ang galing ng humor n'ya kasi. Kuhang-kuha 'yung ratsadang pinoy, eh. Napakanatural. Parang Bob Ong pero visual. Idol talaga!

Wednesday, June 5, 2013

Dear Vice Ganda

Dear Vice Ganda,

Hi, kamusta na? Sana medyo recovered ka na sa bashing at mga batikos sa'yo. Parang naririnig ko na ang sagot mo sa tanong kong "kamusta ka na?" and it goes a little bit something like this:

"Kamusta ako? Matapos ako mayare ng mga tao dahil sa jokes ko? Nako, okay na okay ako! Tuwang tuwa nga ako kasi ang daming nagalit sa'kin. Gusto ko pa ngang mag joke ulit eh, 'yung mas matindi! Para kay presidente kaya? Kay Pope? Nako ang saya saya ko talaga! OKAY na OKAY sa pakiramdam! WOOHOOO!"


Tuesday, May 28, 2013

And The Most Promising Recording/Performing Group Goes To...

Gagandang lalake ano po?
Matiwasay ako ng nagbo-browse sa facebook. Taking my time, basa basa ng posts at nagrerelax lang. Nang biglang nabasag ang aking katahimikan ng utak ko sa isang post na nabasa ko.

According sa 44th Guillermo Mendoza's Box Office Awards, the most promising recording/performing group of 2013 is no other than... CHICSER.

Friday, May 24, 2013

Ate, Ate... Anyare? (Chapter 1: Prologuing the Agony)

In celebration sa ika-100 entry ko dito ronflakes gusto kong sumulat ng isang kakaibang entry. Isang fiction! Isang fictitious story na pagsasama-samahin ang pinakamalulupit na panagalan sa iba't ibang industriya. Ito lang ang kwentong hindi pwedeng ikahon sa iisang genre lang dahil meron s'yang action, suspense, drama, comedy at bold love story.

At dahil fiction lang ito, LAHAT ng mga characters dito (kahit gamit ang real names nila) ay pawang bunga lamang ng aking malikot at makulit na imahinasyon. Parang spoiled brat na epileptic sa kakulitan at kalikutan. Any materials used are credited sa kung sino man ang may-ari. SO, di na ako magpapatumpik-tumpik pa at simulan na natin ang unang kabanata ng ating malupit na nobela na pinamagatang: Ate, Ate... Anyare?

Saturday, May 18, 2013

Ronflakes @ Eraserheads Night

Feeling rakstar
And so the almost impossible happened last May 15, 2013 - Ronflakes finally had an actual public gig! Woohoo! Nakakamiss din pala talaga tumugtog. Sakto naman na may fund raising event ang Pinoy Headstock at nagkataon pang ang tema ay Eraserheads. Double whammy dahil nakatulong na sa TUKOD ELEMENTARY SCHOOL and CASALAT ELEMENTARY SCHOOL in San Rafael Bulacan, nakapag enjoy pa sa gig. Ayus!

Since nasa hiatus ang banda ko, buti na lang may mga members sa Team Ely Buendia FB page na gusto ding tumogtog. Sabi ko nga, basta jam-jam lang! It's been a while since the last time na nabato ako ng kamatis nakapagperform ako on stage so exciting talaga. This time, kumakanta na - may gitara pa! Challenging pero I'm game for the fun ride. Game din kasi mga naging kasama ko. Nandyan sina Alean - the young drummer boy na pang-lolo ang trip sa musika. si Edgar ng bandang Radar na naging bass player namin, malupet na composer din at the same time. Si Kenny from my EMCI days played lead guitar, wala pa ring kupas sa paggigitara. At lastly, there's Floid na originally kasama sa banda pero unfortunately di s'ya naging available. He's from Lucena pa at talagang lumuluwas for the love of music. Ibang klase. And together, we formed The Universal Motion Dance Group Ronflakes.

Tuesday, May 7, 2013

Putik at Pulitika

Isang bala
Dalawang bala
Tatlong bala

Isa na namang kandidato
Ang tumumba sa kalsada

Friday, May 3, 2013

Bawal ang Gwapo Dito


Noong una akala ko joke lang 'yun pala totoo talaga!

Sino mag-aakalang may downside din pala ang pagiging gwaping? Recently may napabalitang napa-deport from Saudi dahil sa "threatening" na kagwapuhan. Wow.

Saturday, April 27, 2013

Dear Nancy Binay


Dear Nancy Binay,

Di na ko magpapaligoy ligoy pa at isa lang ang tanong ko sa'yo. Bakit ayaw mong makipag debate 'teh? I mean, binigyan kita ng benefit of the DAW 'nung una. Kesyo ayaw mo DAW mamolitika, kesyo mas gusto mo DAW pagtuunan ang mas may saysay na bagay, kesyo mamaliitin ka lang DAW komut anak ka ni Binay at kung ano ano pang DAW. Maaaring madalas ka ma-bully noon sa Facebook dahil kulang na kulang DAW ang credentials mo para tumakbo pero ano ba alam nila?

Para walang bias, sabi nga nila don't judge a book by its cover. Eh paano kung ang cover ng libro ay "It's Fun To Learn Calculus!" - maniniwala ka ba?

Monday, April 22, 2013

The Janine Tugonon Tragedy

I've been itching to comment about the Janine Tugonon issue noong isang araw pa, at ngayong may chance na ako, I was hoping medyo magiging mas malamig na ulo ko. NOPE. Ganon pa din ang bwiset ko sa ginawa n'ya sa kawawa n'yang ex-boyfriend (Jaypee).

Napanood n'yo na ba ang controversial interview nina Kris at Sweet kina Janine at Jaypee? Well, here's the video para mas maintindihan n'yo ang aking analysis sa mga naganap.

Thursday, April 18, 2013

10 Unpopular Eraserheads Songs You'd Probably Like


Like most of the bands sa 90's, isa din ako sa naimpluwensyahan ng Eraserheads pagdating sa paggawa ng kanta. Walang arteng technical shit at rekta na sa punto. Madaling maintindihan at saka may recall ang tono. Nasa borderline ng pagiging masa, malalim at pagiging corny. 

Maraming nakakaalam sa atin ng Eraserheads classic singles like Toyang, Pare Ko, Magasin, Huling El Bimbo at kung ano ano pa. If you're a true blooded Eraserheads fan, malamang kahit hindi na-ere sa radyo marami ka pang alam na eheads songs na maganda pero considered rare. Rarity dahil hindi naman sumikat pero alam mong these songs are actually good. Minsan better pa nga sa mga sumikat nilang kanta. So here they are, 10 Eraserheads radio friendly songs you probably don't know but I know you'll like.

Monday, April 15, 2013

Napagtripan ng Tadhana - Ronflakes



FINALLY, the third installment ng semistudio demo session. Kung madadagdagan pa sana ng kahit dalawa pwede ng EP, hehe. Pero for now okay na muna 'tong tatlo. Magandang reference 'to para sa future kung may chance mag-record ng mas matino.

Monday, April 8, 2013

Top 5 Things I Hate About Be Careful With My Heart


Don't get me wrong, di ako hater ng show na ito sa channel 2. Aside from the fact na isa ito sa mga sinusubaybayan ng misis ko sa TV, 'eto na yata ang show na walang evident na kontrabida kaya parang feel-good teleserye lang s'ya. Puro emotional tension lang ang meron kaya di ka gaano manggigil sa mga conflicts ng Be Careful With My Heart. Kaya advisable s'yang panoorin matapos mong mabwiset ng todo kay Margaux sa Ina, Kapatid, Anak. Pang pa good mood ba matapos ma-bad trip.

Pero Be Careful With My Heart in my opinion has its share of bullshit din. Just like any other shows, meron din s'yang mapapa-kunot-noo moment ka na lang. So here are my top 5 things I hate about this teleserye.

Wednesday, April 3, 2013

The Coffee Bean Worker

Lito Lappy with the Swirl Card
Opo, dito na ako sa Coffee Bean nagtatrabaho.

Sa isang Coffee Bean dito sa Alabang Town Center. Can't complain dahil ayos na din ang dampi ng aircon sa balat habang lumiliyab ang daigdig sa labas sa sobrang init. Hirap minsan sa araw sobrang PASIKAT eh. Anyway, dito ako ngayon nagtatrabaho dahil walang wi-fi sa bahay at medyo marami-rami akong kailangang tapusing trabaho. At least dito cozy at in fairness, maganda ang sounds.

Tuesday, April 2, 2013

Nagtahan - Ronflakes


Sa wakas nagkaron na rin ako ng time i-mix 'to. This track was collecting dust in my hard drive. Nabitin ang recording n'ya dahil nga sumalangit nawa ang dati kong cellphone (to record the vocals). At dahil kay Tita Cherry (my new phablet), I was able to complete the vocal track. It has a decent recording capability pero wala na talaga tayo magagawa para mabago ang quality ang boses ng kumakanta.

Monday, March 25, 2013

Meet Tita Cherry

Kasama si Anne Curtis sa box
Mukhang medyo napatagal ang pag update ko sa blog ah. Can't complain dahil busyness is next to peraness.  Kailangan kumayod dahil maraming bayarin, hehe. Well, speaking of bayarin, I am glad to introduce you to my new phablet (phone-tablet) - Tita Cherry.

Tita Cherry dahil isa syang Cherry Mobile Titan TV model. Opo, patawarin n'yo po ako at naging kampon na ako ni Kuya Wil. Wag n'yo po ako i-judge, don't do that to me. At least di ko binili yung Wil-fone na ang balita ko ay may mga kasama ng mga bastos na videos when you buy one (joke lang, baka mapabili ka bigla). Enough of Willy bashing and let's move back to Tita Cherry.

Tuesday, March 19, 2013

Araw Araw Maaraw

Habang sinusulat ko ang blog na ito ay tirik na tirik ang araw sa labas. Galit na galit na parang may atraso ako sa kanya. Literal na "mainit" ang ulo n'ya. Ilang araw na rin 'yang ganyang nagtatantrums kaya naman nakakatamad gumawa ng kahit ano.

Nakakatamad lumabas kasi nga masusunog ang mala-porselana kong kutis. Nakakatamad mag-recording kasi parang ilang minuto pa lang uhaw ka na. Nakakatamad magtrabaho kasi the sticky feeling is so irritating (with maarte voice). Kaya nga pati magsulat ng blog entry nakakatamad na din. Parang 'yung flow ng utak ko barado. Parang hotdog sa kalye at binalatang lumpia na masarsa habang nag jogging sa 23rd floor si Jinky Pacquiao para-- SYET! Nag over-heat na naman utak ko, exactly the reason why mahirap magsulat kapag uber init. Sarap tumira sa ref pag mga ganitong panahon talaga!

Friday, March 15, 2013

Misteryo ng Universe #6: Pusong Bato


Marami na ring naging sikat na kanta sa Pinas. Maraming basis kung patok ang isang awitin.
  • Kapag 'yung airplay nito sa radyo ay gasgas na
  • Kapag dumaan ka sa Divisoria o Baclaran, ito ang madalas ipatugtog sa mga jumbo speakers ng mga nagtitinda ng CD's
  • Madalas mong maririnig na kinakanta ng mga bata
  • Ni-revive o ginawan na ng ibang version ng naaaaapaka-creative nating mga astists
  • Mahuhuli mo paminsan minsan ang sarili mong kinakanta na ang karumal-dumal na kantang iyon subconsciously
  • Patok sa videokehan
Sounds familiar? Well, one song comes to my mind sa mga description na 'yan. As a matter of fact, dahil sa kantang 'yan ako'y di makakain. Di rin makatulog buhat ng iyong lokohin. PWE! Sinaniban na naman ang dila ko ng masamang espirito ng Pusong Bato.

Saturday, March 9, 2013

Dear Candy Crush Saga

Dear Candy Crush Saga,

Hi. Gusto ko lang malaman mo na mula ng nakilala ka ng asawa ko ay nagulo na ang mundo n'ya. Ni hindi na nga s'ya nakakatulog ng maaga dahil sa'yo. Ano ba'ng meron ka at pati mga friends namin sa facebook nahuhumaling na din sa'yo. Oo, kahit lalake pinapatos ka na rin!

Para bang lumelebel ka na rin sa mga tropa mong sina angry birds, plants vs. zombies, at temple run (na may kapatid pang temple run 2). Kaya naman mula ng ipakilala ka sa akin ni Judy sinubukan ko agad alamin ano ba'ng meron ka. At 'yun ang malaki kong pagkakamali.

Thursday, March 7, 2013

Don't Do That To Me!


Dear Anthony Santos,

DON'T DO THAT TO ME!

Umiral na naman ang mga scammer sa mundo! Nga pala, kakapanood ko pa lang ng video ng misis mo. Eto busyng-busy sa pagre-recruit ng MOW-DELS.



Love,
Willie Ronski

PS: Hi mo na din ako sa mga ka-tropa mong sina Mark Cruz, Joseph Reyes, Mae Ramos, at kung sino sino pang members ng Generic name club. Buset!

Tuesday, March 5, 2013

Betamax Generation (A Tribute)

Sa generation natin ngayon ng hi-tech gaming consoles, gadgets, phones, at kung ano-ano pa, magbibigay pugay ngayon tayo sa mga lolo at lola ng mga makabagong teknolohiya na ito. Maraming mga kabataan ngayon ang di na sila makikita o magagamit, pero sa mga ka-age bracket ko (alam n'yo na kung sino kayo) malamang mapupuno kayo ng nostalgic memories habang naglalakbay tayo sa memory lane ng mga oldies technology.

Let's go old skul!

Saturday, March 2, 2013

Bidang Mahirap VS Kontrabidang Mayaman


Kapag ang kontrabidang mayaman nasangkot sa trobol: Kakausapin ng mayamang daddy nya habang umiinom ng alak sa terrace habang nakapalibot ang mga goons. 'Eto ang mga siguradong linya n'yan:

"Di mo na ako binigyan ng kahihiyan!"
"Tatawagan ko si attorney, malulusutan natin 'to"
"Pumunta ka muna sa rest house, magpalamig ka muna 'dun"

Kapag ang bidang mahirap ang nasangkot sa trobol: Malamang pupunta agad ang ating bida sa kanyang tiyuhin sa isang depressed area para magtago. Maraming tambay, nagkalat ang bata, ganong tipo. Sa umpisa medyo tatanggi pa 'yung asawa ng tiyuhin n'ya kesyo masikip na sa bahay nila at wala na nga sila makain. Pero after a few convincing words ng tiyuhin - papayag na din si t'yang. Along the way, mapapalapit ang loob ng bida sa batang kasa-kasama ng tiyuhin n'ya sa bahay. 'Eto ang makaka-sparring n'ya sa asaran, at paminsan-minsang tampuhan.

Friday, March 1, 2013

Dear Oscars

Dear Oscars,

This might be a bit of a delayed reaction but here it goes...

Brave for best animated feature? REALLY?! Isa ako sa mga naloko ng trailer nitong film na 'to and I even planned on watching it sa big screen. BUTI NA LANG HINDE. Akala mo ang epic sa trailer ampucha pero sa actual ang babaw ng storya! The other nominees deserve the win more. Kahit ParaNorman or Wreck It Ralph sana. SIGH... walang sense!

Nagmamaktol,
Ronski


Hindi Na Tayo - Ronflakes


Pasimulan natin ang Marso ng isang composition. Matagal ko ng nasulat ang kantang 'to pero ngayon lang nagkaroon ng chance mai-record. Bale the guitar and drums were recorded (using an iPhone) live ng sabay. Tapos yung bass at patong na vocals (dahil may vocals ng kasama sa live recording) dito ko na lang sa bahay ni-record using my cellphone din. Talk about hi-tech recording di ba?

Monday, February 25, 2013

EDSA: May Sense Pa Ba?

'Nung kasagsagan ng EDSA revolution, uhuging bata pa lang ako 'nun. Nagsisimula pa lang akong matuto ng kung ano-ano sa eskwela at wala pang alam lalo na sa politika. Pero 'nung nakita ko sa TV na parang may "gera" sa EDSA at parang tensyonado ang mga tao sa bahay - I realized something VERY important is happening. Di nga ako nagkamali. Ang pangulo ng Pilipinas versus people of the Philippines.

That fateful day - nakapagpatalsik na pala tayo ng isang diktador. Angas no? Ilang bansa lang ba ang nakagawa n'yan sa history? Di ko din alam eh, pero basta ang alam ko lang feeling "proud" ako na nagawa natin 'yun as a nation. Parang fiesta sa EDSA 'nun, lahat parang friendly friends. Sundalo saka mga civilians nag-aapir saka nagyayakapan. Daig pa Lovapalooza (without the excessive kissing). Pero bakit ngayong 27th anniversary ng EDSA revolution marami yatang di masaya? Maraming nagsasabing wala naman na daw ang spirit ng EDSA revolution. Kalat pa rin ang kurakot, marami pa ring mahirap (despite sa hanep-buhay program ni Mrs. Villar), kawawa pa rin ang Pinas compared sa ibang bansa at kung ano-ano pang kalugmukan sa buhay. In short, bakit parang ang daming NEGA about sa event na ito?

Friday, February 22, 2013

The New Punctuation Marks

Stumbled upon this on Facebok (thanks, Mervin!) and just thought of sharing it with the rest of the bookworm community - o kahit na di masyado palabasa. It's from Collegehumor.com and strangely enough - some of these punctuation marks could actually be useful. Heto sila.


Chakra sa Umaga


Ganitong maulan sa umaga - sarap manood ng tagisan ng chakra! Unang laban, dalawang oras at kalahating bakbakan between Naruto and Pain. FIGHT!


Thursday, February 21, 2013

Pitch Perfect Fever


Napanood n'yo na ba 'yung movie na Pitch Perfect? 'Yung acapella movie ni Anna Kendrick? Kung hindi pa, pinapayuhan ko kayo na tantanan na lang ang pelikulang 'yan dahil baka matulad kayo sa asawa ko. Tuluyan ng nabaliw sa OST ng movie na 'yan at dumudugo na tenga ko sa paulit-ulit na loop ng bawat tracks sa OST ng Pitch Perfect.

Wednesday, February 20, 2013

Boobies!


Now this is what I call creative advertisement! This is an ad from a French lingerie company na nagpapakita ng "joyful reunion" ng dalawang boobies. Hanga lang ako sa pagiging fresh ng approach nila sa advertisement. Hindi bastos ang dating kasi it's in CGI at parang comedy pa ang dating. I just dunno kung mase-censor 'to soon (alam mo naman sa Pinas) so I'm sharing them to you guys as early as now.