Thursday, September 29, 2016

Ate, Ate.. Anyare? (Chapter 6: Paalam, Ma'am Miriam)

The People Power Puff Girls
Napakasamang balita ang bumungad sa akin ngayong umaga. Iniwan na tayo ng isa sa pinakamatalinong politician na kilala ko. Indeed, she could have been the best president that we will never have. Pesteng cancer 'yan! Sana makahanap na ng gamot laban sa sakit na 'yan. Sigh. Anyway, I dedicate this chapter to Miriam Defensor Santiago. Mahaba pa sana ang papel n'ya sa ating istorya pero mukhang 'di na 'yon matutuloy. As the song goes, sayang na sayang talaga.

Ang ganda na ng build up natin sa character n'ya lalo na sa last chapter. Parang sakto nga ang mga pangyayari actually. Well, you can read the past chapter through the link below. You will surely be missed ma'am Miriam.

Ang Nakaraan

Ngayon, ang pagpapatuloy ng kwento.

Monday, September 26, 2016

Have You Met Pablo?

Dance number ng Pablo's Sweet Tarts
Kung di pa sinabi sa'kin ng asawa ko eh di ko malalamang may Pablo Cheesecakes and Tarts na pala sa Robinson's Place Manila. First time ko lang marinig ang Pablo na 'yan pero hype na hype na daw ito sa social media. Well, given naman na sigurong masarap s'ya (dapat lang dahil mahal s'ya!) pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang mga alingasngas na pwede ka daw abutin ng limang oras sa pila bago ka makabili ng produkto nila. Wow.

Nagbalik sa alaala ko ang JCO donuts. There was a time na pinutakte din ito ng mga tao. Box office ang pila at talagang parang santo ang pagpuri sa lasa ng donuts. Pero sa totoo lang, parang placebo effect lang yata, eh. Well, delicious is relative pero sa panlasa ko - parang sobrang tamis. Mas trip ko pa din ang Dunkin' Donuts sa totoo lang. Pero syempre after mo pilahan ng pagkatagal-tagal ang donut mo malamang medyo magiging bias ang panlasa mo, di ba? Again, maybe. Iba iba naman tayo ng upbringing sa mga taste buds natin so, let's leave it at that. Pero how about Pablo?

Tuesday, September 13, 2016

The Gary Valenciano Phenomenon

For the first time in Philippine history medyo yata nasasapawan ni Gary Valenciano ang iconic na kanta ni Jose Mari Chan na Christmas in Our Hearts. Bakit kamo? Paano ba naman, putok na putok sa Facebook ang kanta n'ya na 'Wag Ka Nang Umiyak na theme song ng ABS-CBN TV show na Probinsyano. Lahat na lang yata ng may 'moment' na scene sa movie nilagyan nito. Ber months na pero 'di pa din dominated ni master Jose Mari Chan ang airwaves at social media? This is madness!

All thanks to these videos:

Click the image to launch the playslist
Ang uploader ng videos na ito ay si Xymon Viktor at talaga namang pumatok ang naisip n'yang fusion ng foreign drama moments with Gary Valenciano's hugot voice sa 'Wag Ka Nang Umiyak'.

Monday, September 5, 2016

Ronscreens: Train to Busan

Ang zombie film na may puso
Okay, kung binabasa mo 'to ngayon dahil gusto mong makasiguradong sulit ang ibabayad mo sa sinehan kapag nanood ka ng Train to Busan - isang malaking OO. Sulit na sulit! Sa sobrang sulit huwag mo ng tapusin ang pagbabasa nitong post na 'to at tumakbo ka na sa pinakamalapit na sinehan d'yan and watch. Di aalis ang blog na 'to. Balikan mo na lang ako pag nakapanood mo na, okay? No hard feelings promise. Kaya go! Now na!

Grabe 'tong pelikula na 'to. It's mainly a horror suspense movie pero it will make you feel all the feels in the world. Takot, saya, galit, lungkot. kaba - lahat na! Ang ganda ng character development ng mga bida at kontrabida sa pelikula. Don't get me wrong, isa s'yang zombie movie per se PERO merong puso. You will totally root for the protagonists and feel the opposite para sa antagonists. It's been a while since I watched a total badass movie like this. Teka, bakit nagbabasa ka pa? Again, kung di mo pa napapanood ang film na 'to - NOOD NA!

Friday, September 2, 2016

Picture of the Day: Bioman Reunion

Left to right: Yellow 4, Blue 3,
Red 1, Pink 5, Green 2
Nostalgia overload in one picture! I still recognize Red 1, Green 2 and of course ang chidhood crush ng lahat na si Pink 5. Si Blue 3 at Yellow 4 medyo malayo na ang itsura sa dati pero who cares? Ang mahalaga ay FINALLY we have this reunion picture. Sana lang naisama si Peebo.

Tuesday, August 30, 2016

Pikachu: How To Be Mine Po?

Di po totoong kapatid s'ya ni Kim Chu
Kadalasang tanong ng mga Pokemon Go hunters at huntress ay kung paano ba mahuhuli ang mailap na pokemong si Pikachu. Sa mga di nakakaalam, si Pikachu ang pinakasikat na pokemon sa animated series na Pokemon. S'ya kasi ang paboritong alaga ng bidang si Ash. So medyo weird lang na napakahirap n'yang matyempuhan pero s'ya nga ang pinakasikat.

Apparently, may 100% technique para makakita ng Pikachu kahit nasaang lupalop ka pa ng mundo. Duda ako dati sa strategy na 'to pero since nasubukan ko na s'ya - I can assure you na totoo nga ang alamat kung paano makakita ng Pikachu. Madali lang s'ya gawin, pero masakit sa damdamin - well, depende na lang sa level mo. Para mas maintintindihan mo ang ibig ko sabihin, 'eto ang instructions:

Saturday, August 27, 2016

Deniece Cornejo - Ambassador of Goodwill?!?

Saludo kami sa'yo Ambassador!
Naaalala n'yo 'yung babaeng dinalhan ng 'fuds' ni Vhong Navarro sa condo? 'Yung may on-going na kaso ngayon tungkol 'dun kasama si Cedric Lee? Yup, si Deniece Cornejo. At di kayo namamalik-mata - talagang tinalaga s'yang ambassador of goodwill for the youth.

Alas tres ng madalinga araw, kakauwi ko lang ng bahay galing trabaho at ganitong balita pa talaga ang bubungad sa'kin. Tsk. Di ako mapakali kaya nagsaliksik pa ako na mabuti. Isa lang ba itong typo? Isang hoax? Pero galing ang balita sa ABS-CBN mismo. Sa isip ko, nabaliw na yata talaga si Duterte at bakit sa babaeng ito pa naisipang ibigay ang posisyong 'yon.

Friday, August 26, 2016

Return of the Libing Dead

True love waits...
Simulan natin ang entry na ito sa isang pang-malakasang banat mula kay Coach Macky ng Kontrabando:

"Ang pag-ibig ko sa'yo ay parang si Macoy... 'di maaagnas."

Tulad ng issue ng pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani, ang 'love quote' na ito galing kay Coach Macky ay harsh... pero totoo. Dahil sa issue na 'to nahahati na naman ang mga pinoy. Ang dating patay na issue ng pagpapalibing kay Marcos ('yung senior ha!) sa libingan ng mga bayani ay parang zombie na muli na namang nabuhay at ngayon nga ay putok na putok na naman sa news at social media. Why not? National heroes day next week so talagang napapanahon lang pag-usapan.

Wednesday, August 24, 2016

Picture of the Day: Mga Tigasin ng Pinas

Alam na this LOL
Dahil busy pa ako sa Pokemon Go trabaho ko, pagpasensyahan n'yo na ang aking hiatus mode. Don't worry, kapag nakahuli na ako ng Pikachu medyo well adjusted na ako sa aking bagong work - happy happy na ulit tayo! So for now I leave you all with this picture. Catch pokemon you later!

Wednesday, August 10, 2016

Pokemon Go Go Go!

Ang daming daga sa SM, tsk.
At dumating na nga ang panahon na pinakahihintay ng mga pinoy. Nope, hindi ang paglaya ni Gloria Macapagal Arroyo at lalong hindi ang approval ng paglibing kay Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani. So ano nga ba ang kapanapanabik na pangyayaring ito? Lumanding na rin sa Pilipinas ang Pokemon Go. Palakpakan!

Actually ilang araw na ding naging available sa pinas ang worldwide phenomenal game na ito kaya naman huwag nang magtaka kung namumutakte ng Pokemon Go pictures ang Facebook timeline mo. Grabe talaga ang kabaliwang pinakawaan ng larong ito na galing yata sa kaibuturan ng impyerno sa dami ng nahuhumaling. At bakit hindi? This game appeals to everyone! Kahit sa mga ngayon lang nakarinig ng salitang pokemon eh patok na patok ang larong ito.

Friday, July 29, 2016

Ronscreens: Stranger Things


Isa sa main contributors ng eyebags ko ay ang bagong TV series na ito - Stranger Things. Kakatapos lang ng season 1 nito at talaga namang lahat ay abangers sa second season. Bakit kamo? Well, there's no better way to explain it than to see it for yourself. And believe me, it deserves the hype it is getting.

Lahat ng nasabihan kong manood ng Stranger Things ay instantly naging fan ng series na 'to. Kung may networking lang ako, malamang ang dami ko nang downline. Paano ba naman kasi, it appeals to all - sa bata, teens, matanda, mahilig sa fiction, sa aliens, sa suspense, sa horror, comedy, geek stuff, love story, mystery, action, at higit sa lahat - friendship.

Picture of the Day: Pusha Ako

Salamat social media sa awareness

Sunday, July 24, 2016

Budul-budol at Pag-ibig


Sa di inaasahang pagkakataon
Dumating ka sa tamang panahon
Kung kailan ako ay hindi handa
Kinuha mo ang aking tiwala

Sa tamis ng iyong mga salita
Napakadali mo akong napaniwala
Oo nga't ngayon lang tayo nagkita
Pero parang ang tagal na kitang kakilala

May ibinigay ka sa aking importante sa'yo
Kaya ganun din naman ang ginawa ko
Kapalit ng tiwala na ibinigay mo sa akin
Ibibigay ko kahit ano ang iyong hingin

Friday, July 22, 2016

"Nanlaban"

Alam na this
Bago mag-sona sa lunes si Duterte, ilang pushers at users na nga ba ang bumulagta sa kamay ng mga pulis nitong mga nakaraang araw? Correction pala - suspected pushers at users. Well, madami-dami na ding "nanlaban" at napaaga ang appointment kay Lord. Pero nanlaban nga ba?

Parang sa dami ng enkwentro eh parang iisa lang ang kwento. Nang-agaw ng baril, nakipagpalitan ng putukan, at kung ano-ano pang version ang kwento pero iisa ang tema - nanlaban. Dahil sa kahina-hinalang patayan, di maiwasan na medyo umalma ang ilang netizens. Iisa ang tanong nila. Nasaan ang due process? Hindi ba extra-judicial killing ang nangyayari?

Thursday, July 14, 2016

NBI (Not So) Clearance

Where is Ronski?
Matapos ang mahigit apat na oras na pagpila ko sa Robinson's Dasma para mag-renew ng NBI clearance - BOOM! Meron daw akong hit. Nagmistulang field trip sa may pagawaan ng lapis ang pinila ko - mabagal at walang katuturan. Sa ilang beses ko ng kumukuha ng NBI clearance mula pa noong una kong application, ngayon lang ako nagkaroon ng problema sa pagkuha ng clearance.

Posible nga ba'ng magkapangalan ang isang tao? I mean kasama ang first, middle, and last name? Posible siguro kung generic ang kahit isa sa mga 'yan. Pero paano kung unique naman? Isama pa natin ang ilang info ng applicant like address, edad, and birthday? Eh 'yung picture ng aplikante? Siguro naman napakamalas ko naman kung kamukha ko pa 'yung kapangalan ko.

Thursday, July 7, 2016

Top 10 Kaplastikan sa Diet Signs

Suuuuuuure!
Kasama sa katotohanang bilog ang mundo ay ang katotohanang napakahirap mag-diet. Kung ikaw ay walang problema sa timbang at forever slim, sexy, or macho - good for you! Pero mawalang galang na lang at baka pwedeng lumayas-layas ka muna dyan dahil hindi ka welcome sa post na 'to (bitter ocampo mode). Dahil itong post na 'to ay naka-focus sa mga kasama natin sa pakikibaka - pakikibaka patungo sa payat na bukas!

The struggle is real sabi nga nila. Totoo 'to lalo na at sanay tayo sa spoiled nating appetite at lifestyle. Kakainin natin ang gusto natin at sobrang pasakit ang pageexercise, Ito ang masakit na realidad pero pilit nating pinanlalabanan. Walang bibigay! Walang susuko! Pero teka lang, kailan nga ba parang pinaplastik mo na lang ang sarili mo sa ilusyon ng pagda-diet?

Tuesday, July 5, 2016

Bioman and Friends

Isang balik-tanaw sa mga nakamulatan nating theme song noong 80's at early 90's. Mga panahong hindi pa kung ano-anog shit ang palabas sa TV para sa mga bata kundi mga tagalized anime at sentai. So here's a fantastic medley down the memory lane performed by the explosive Osang! BOOM! PAK! Ganern.


Sunday, July 3, 2016

Ronscreens: The Legend of Tarzan

Movie: 2 out of 5 - Abs: 6 out of 5
Well, that was a disappointing movie. Di ko alam kung masyado lang ako nag expect o talagang medyo lame lang 'yung pelikula. We watched the movie sa IMAX and still had a 'meh' experience. Why? That's what we'll tackle sa post na 'to.

Needless to say, this post will have mild spoilers. Pero pipilitin kong huwag maging detalyado for those who still want to give this movie a shot. Hopefully this will help you decide kung willing mo i-risk ang pera mo to watch this movie sa sinehan, moreover sa IMAX, or just save money and just by yourself Jolly meals. Let's go!

Thursday, June 30, 2016

Hail the King of the North... and South of the Philippines!

June 30: Du30
Just heard Duterte's inaugural speech and I am impressed how it is concise pero malaman. Natuwa din ako na after ng pepared speech n'ya (na walang mura - bravo! LOL), nag-extend s'ya ng condolences sa mga biktima ng trahedya sa Turkey. Of course dedma lang sa mga anti-Duterte 'yan at abangers na lang sa susunod na palpak ng bagong presidente. Tsk.

Hindi s'ya perpektong tao, thus, will never be a perfect president. Pero one thing for sure, concentrating lang doon sa kakulangan ng presidente won't help. The operative word is LANG. Pansin ko lang kasi 'yung mga Duterte haters noon - Duterte haters pa din ngayon. Solid. Most of them, wala ng nakitang maganda sa ginawa ni Duterte. Talk about Dutertards on the other end of the spectrum. Oh well, move on move on din pag may time.

Tuesday, June 28, 2016

Picture of the Day: The Wolf is Back in Winterfell

Spot the difference. Napareview ako ng last episode dahil sa nalaman ko from GoT Wiki. Sa wakas! The wolf sigil is back sa intro ng Game of Thrones. Hell yeah!

The Boltons are out - sorry, Michael
The wolf is back, baby!

Monday, June 27, 2016

Ang Cutipie na Character ng Game of Thrones

Laking Bonakid - batang lumalaban
Ngayong tapos na naman ang isang season ng Game of Thrones, ilang buwan na naman tayong tutunganga sa kawalan at mag-aabang sa season 7(sana di naman affected ng Brexit). As expected solid na naman ang season finale na punong puno ng surpresa, pagkamatay, pagsabog, at.. at.. cuteness overload ni Lady Lyanna!

Si Lady Lyanna ang namumuno ng House Mormont sa Bear Island. Kitams, pati kung saan s'ya nakatira cute pa din ang pangalan. Pero huwag papalinlang sa edad ng batang ito, isa s'yang maangas na character sa Game of Thrones na s'ya naman tamang fusion ng cuteness at bad-assery.

Saturday, June 25, 2016

Ate, Ate.. Anyare? (Chapter 5: Change is Coming)

Ang nakaraan: Madilim o matuwid na daan?
Pasensya na po sa ating mga masugid na tagasubaybay at medyo naging busy lang po ang inyong lingkod kaya ngayon lamang nagparamdam ulit. Matapos makatanggap ng requests sa mga sikat na authors like Stephen King, J.K. Rowling, at Margarita Holmes - heto na at masusundan na ulit ang ating kwento. Hallelujah! 

Heto ang mga nakaraang chapters para sa mga ngayon pa lamang magsisimula sumama sa ating apocalyptic adventure.


And now on with our story. Enjoy!

Thursday, June 16, 2016

Dear CHR (Commission on Human Rights)

Dear CHR (Commission on Human Rights),

Napanood n'yo ba 'to? 'Yung dalawang van drivers na nanggahasa ng dalawang babae? Kung hindi pa, please panoorin n'yo.


Nakakakulo ng dugo 'no? Nakakaawa. I mean, bakit naman kailangan pang sapakin o sampalin 'yung rapist? Sumuko na nga, eh tapos magugulpi pa? Nasaan na ang human rights nila? Nasaan ang hustisya?

Sunday, June 12, 2016

Ronscreens: 1896: Ang Pagsilang

Happy Independence day!
In light of the ocassion, magbaliktanaw tayo sa isang album na nabuo para sa ika-100 taong selebrasyon ng ating kasarinlan - ang 1896: Ang Pagsilang!

Pinagsama-sama ang pinakamalulupit na banda ng dekada 90 para gumawa ng isang album for our centennial celebration of freedom. Nandyan ang Eraserheads, Rivermaya, The Youth, Francis Magalona, just to name a few. Kailan pa ulit mangyayari ang ganito? Literally impossible na since ang iba sa mga participants ng album na 'to are already gone (Francis Magalona, Gary Ignacio) o di kaya disbanded na (Color it Red, Agaw-Agimat). Para sa mga millennials, malamang di na nila kilala ang iba dito pero just the same, I can consider this album an important piece of Philippine history.

Friday, June 10, 2016

12 Unpopular TV Series You'd Probably Like

Loki vs House in The Night Manager
In relation to my previous post, 'eto na nga 'yung mga hidden gems na sinasabi ko. 'Yung mga TV series na di kasing sikat ng Game of Thrones or The Walking Dead pero de kalibre naman ang ganda ng story. Most of these TV series are serial pero may mangilan-ngilan din naman episodic so there's a fruitcake for everybody.

Ang iba sa mga hidden gems na 'to ay pwedeng narinig or nakita n'yo na somewhere pero may mga sinunod akong criteria sa pagpili ng mga TV series na 'to. Unang una, hindi dapat long-running. At most, dapat mga 2 seasons pa lang ang haba nito. Secondly, talagang under the radar 'yung TV series, meaning, kung magtatanong ka ng sampung tao - malamang 2-3 tao lang ang nakakaalam nito (plus may matching kamot ulo dahil di pa sila sure about it). And last criteria, of course, kailangan nagustuhan ko sila ng todo-todo! As in some of these TV series natapos ko talaga in one sitting.

Tuesday, June 7, 2016

Serial vs Episodic TV Series

Wala pa ring tatalo kay Maya at Sir Chief
Medyo late na 'ko nagsimulang ma-introduce sa TV series. Siguro dahil I am more of a movie/game/music guy kaya 'di ko naman na-realize what I was missing. Pero one fateful new year's eve, nagbago ang lahat sa buhay ko. Ano 'tong palabas na 'to na laging bitin ang ending? Bakit parang ang hirap n'yang tantanan!? 

I am talking about the TV series 24. Grabe. Cliffhanger ang bawat ending ng isang episode. From that moment on, nalaman ko na kung bakit ang daming nahahayok sa mga TV series. Kaya naman naging laman na ako ng Quiapo noon to look for TV series DVDs (yup, doon mo maririnig ang "dibidibidi"). At least I can finish a whole season without the bitin factor kasi lahat nasa DVD na. Dito ko nadiskobre ang Prison Break, Heroes, Battlestar Galactica, at kung ano-ano pang serial TV series. 

Thursday, June 2, 2016

Dear Duterte

The Checkered President
Dear Duterte,

Hi boss Rody, kamusta? Mukhang nasa hot seat na naman tayo, ah. Ikaw kasi eh, ang dalas mo magpa press con, ayan tuloy, ang daming nakukuhang pambato sa'yo. For example, itong nakaraang press con mo lang. Nakupo, ang dami mong sablay na sagot! Di ko alam kung hirap ka lang sa tagalog kaya ka namimis-interpret o sadyang wala ka na lang pake sa pwedeng interpretation ng sinasabi mo. Again, I don't worry about your intentions - just your mouth.

Tactless. 'Yan lang talaga makokomento ko sa'yo, bossing. Kahit gaano pa kaganda ang nasa isip mo kung sablay naman ang labas sa bibig mo - wala din! Saka minsan you tend to linger on things na wala namang saysay at nakakagulo lang sa usapan. Worse, mas nakakahanap butas pa sa mga plataporma mo. Minsan pa naman abangers sa ganyan ang media kaya ingat-ingat din pag may time.

Tuesday, May 31, 2016

Baron Geisler vs Kiko Matos: Let's Get It On!

In fairness hawig ni Kiko dito si Juan Manuel Marquez
So tapos na ang bakbakan between presidentiables. Congrats Duterte.

Tapos na din ang ungusan ng mga bise presidente. The best woman won.

Natapos na din ang game 7 ng NBA west conference. Nagwagi ang Warriors.

Oras na para sa main event. Chris Buffer, i-announce na kung sino ang maglalaban sa URCC Fight Night this coming June 25, 2016 sa Palace Pool Club, Taguig, Metro Manila. Let's get it on!

Thursday, May 26, 2016

SSS: Super Swipe Scammers!

Malakas ang radar ng mga SSS sa ATM at credit cards
Kung madalas ka mag mall, malamang naka-encounter ka na ng mga palakad-lakad sa mall na naka formal attire at nag-aalok ng kung ano-ano. Sila 'yung tatawagin talaga 'yung pansin mo to the point na almost nakaka-harass na. Aakitin ka nila sa mga "freebies" nila at kung ano-anong friendly spiels.

Huwag na huwag mong i-eentertain ang mga hinayupak na 'yan dahil sila ang tinatawag kong mga bwitre sa mall. Sila ang SSS (Super Swipe Scammers)!

Friday, May 13, 2016

Picture of the Day: Ang Tunay na VP Winner

Tama na ang away! Napatunayan na ng picture na 'to kung sino ang tunay na VP winner. Halata naman sa mapangutya n'yang ngiti 'di ba? Say "Chiiiizzz...".

Chiz, isama mo naman kami sa 'paradise'.

Tuesday, May 10, 2016

Picture of the Day: Inday at Leni

Inday Sara: Bale limang beses ko s'ya sinapak.
Leni: Wow, grabe pala 'no?
Sarap sa mata nito. Kwentuhan sa carenderia lang ang peg. Sana this administration shows us that leaders are also ordinary people just given extraordinary tasks. Sana finally, we'll have an administration that truly relates to the people. Daang di lang matuwid kundi may tapang at malasakit din.

The Morning After

"Pinoy Ballot kayo d'yan!"
Well, almost all the votes are in - mukhang Duterte will bag this one. Some may not agree with his ways and talagang duda pa sa kanya pero sabi nga sa Survivor - "the tribe has spoken".

Burado na ang indelible ink sa daliri ng iba nating mga kababayan pero sariwa pa din ang voting experiences nila kahapon. Nagkaroon ng isolated cases ng malfunctioning voting machines at problema sa PWD/senior concerns pero naging successful naman daw ang botohan in general. I must agree compared sa last election, mas smooth nga ang naging botohan kahapon. Not to mention 'yung bilis ng pagbibilang ngayon ng mga boto. Kudos na rin sa Comelec kahit paano.

Thursday, May 5, 2016

Picture of the Day: Sorry Poe

Just received this. Oh well, it's the most wonderful time of the year . LOL.


May Nangangampanya Pa Ba?

Push n'yo 'yan
Pansin ko lang, 4 days before election day - may nangangampanya pa ba? I mean, lalo na sa social media, meron pa bang masasabing "nangangampanya" talaga? Even days before, I noticed parang wala na yata kasing nagpapabango ng pangalan nila. 'Yung tipong "Pag ako ang binoto n'yo, gagawin kong ganito ganyan ang buhay n'yo..." o kaya "Ako po ang iboto n'yo dahil ako ay masipag, matulungin, magalang, uliran, etc.". Wala ng halos ganon, eh. Alam mo kung ano na lang meron?

"Huwag iboto si Duterte!"

Monday, April 25, 2016

Presidential Debate Round 3 Review

New Pop! Funko toys. Each sold separately.
First time ko mapanood ng live ang debate ng mga presidentiables and I could say na mas "peaceful" ang debate na 'to. Unlike ng previous debates, mas konti ang pukpukan ng mga kandidato sa bawat isa. Less entertaining pero we all came here for substance so I guess that's OK. So what happened on today's face off? Here are my thoughts.

Overall, maayos naman ang coverage ng ABS-CBN pero I'd say mas exciting yung sa TV5. Pero anyway, there were less commercials saka most of the time nasusunod naman ang time limit ng mga kandidato. Pero they have the slowest fast-talk na napanood ko EVER. Also, wala masyadong trash talking between candidates pero pansin ko lang ang iingay ng supporters, nakaka-distract din minsan. I think pinaka-active ang cheerleaders ng Binay at Roxas team (cue: Cheerleader song).

Tuesday, April 19, 2016

Huwag Iboto si Duterte

Fist bump tayo! (sa mukha)
Sabi ng iba, isang imaginary superhero si Duterte. Parang sa isang perfect world lang pwedeng magkatotoo ang mayabang n'yang 3-6 months ultimatum sa krimen. Don't get me wrong, gustong gusto kong maniwala kay Duterte pero 'di mapagkakailang parang masyado yatang fantastic ang pangako n'ya 'di ba? Saka besides, nasabi na ba n'ya ang detalyadong steps paano n'ya magagawa 'yon? Medyo malabo yata.

Kaya kung tingin mo drawing lang si Duterte: Huwag mong iboto si Duterte.

Wednesday, April 13, 2016

Misteryo ng Universe #14: The Napoles Bail

IMBA ka Janet - isa kang hokage!
Oh, yes! Akala ko wala ng iinit pa sa araw na 'to pero MAS mainit ang ulo ko ngayon sa nalaman ko. Na-grant lang naman ang bail si Janet Napoles. Tama! Only in the Philippines na ang isang taong nasentensyahan na ng reclusion perpetua ay pwedeng pwede pa ding makalabas ng kulungan. Anak ng putakteng kinagat ng seven lions talaga 'tong sistema natin. Sa nong logical na dahilan kaya bakit naman hinayaan ng gobyerno natin 'to? BAKEEETT?!

Magkano kaya ang bail? Sa bagay malaking tulong din 'yon sa pagpopondo nitong eleksyon. Crunch time na. Kapalan na ng mukha talaga. Minsan naiisip ko wala na lang talagang konsensya ang ibang tao sa gobyerno. Alam mo 'yun? In your face na kabulukan na talaga ang pinakikita at wala ng hiya hiya. Kakapanood ko lang 'nung bobong taga Customs na nadulas na gumagawa sila ng kabulustugan sa opisina tapos 'eto naman ang susunod. Sana lang talaga magkaroon na ng pagbabago sa susunod na eleksyon.

Ngayon, ganito pa rin ba ang gusto n'yong sistema? Kaya please lang, make CHANGE happen this coming May election. Makikita ng mga corrupt na 'yan.

Here's the article regarding Janet Napoles' bail.

Monday, April 11, 2016

May the Best Woman Win

The motherly candidate
So natapos na nga ang vice presidential debates kahapon and talaga namang super hot ang mga pangyayari! Panalo na naman ang mga viewers dahil super entertaining ang karambola ng mga kandidato. Parang naririnig ko tuloy sumigaw si Russell Crowe (from the film Gladiator) ng "Are you entertained?!!"

Anyway, napansin n'yo din ba ang mga ito sa debate?
  • Chiz: Kaboses ni Peebo ng Bioman (robotic)
  • Bongbong: Laging kulelat magtaas ng thumbs up/down card (sneaky)
  • Cayetano: Natameme sa usapan ng anti-dynasty bill (guilty)
  • Trillanes at Honasan: Parang back-up dancers lang (sorry)
  • Robredo: Panalo ang ending na "may the best woman win" (witty)

Sunday, April 10, 2016

Picture of the Day: Victory for Manny!

Si One Punch Man ba naman nasa tabi mo eh
Congrats sa ating pambansang kamao! Partida 'yan part-time congressman at basketball coach, at minsan player din. What more kung todo boxing na lang ang focus n'ya di ba? Kabahan na si One Punch Man. Anyway, salamat Manny for giving pride sa Pinas for the nth time. Mabuhay ka!

Thursday, April 7, 2016

Jason Magbanua (Tipid Version)

So isang pasabog ang bumulabog sa mundo ng internet kailan lang ng biglang nag-post ang super sikat na videographer na si Jason Magbanua nito:

Sapat na ang apat na salitang 'yan para magimbal ang Pilipinas
Sa mga di nakakakilala kay Master Jason, s'ya lang naman ang isa sa pinaka in demand  at creative na videographer sa Pilipinas. Pero syempre great service comes with great cost. In short, hindi lahat afford ang serbisyo n'ya. Napatunayan ko 'yan noong panahon na nagka-canvass kaming mag-asawa sa sandamakmak na wedding expo. Kaya naman 'nung sinabi n'yang he will work for free - BOOM! Hindi lang mga ikakasal ang nataranta kundi pati na rin mga wala pa namang jowa. Sa kagustuhan nilang maka-tsamba sa libreng serbisyong ito, cramming sila ngayong makahanap ng mapapangasawa. Ganun kalupit si Jason Magbanua! Pero may option ba ang couple na walang budget para kay Jason? Meron!

Misteryo ng Universe #13: Bakit Maalat ang Apa ng Ice Cream?

Nahaluan pala ng itlog na maalat
Oh, yes! Ngayon alam mo na bakit dirty ice cream ang tawag sa sorbetes na nilalako sa kalsada, ha ha! Pero sa totoo lang, may iba talagang kiliti ang ice cream sa kalye di ba? Parang raw na raw eh, hardcore! Sa lugar namin, in fairness, naka gwantes ng plastik ang mga sorbetero saka may tissue 'yung tip 'nung apa so di ganon ka "enhanced" ang "saltiness" ng mga apa. Saka sigurado naman akong isolated case lang 'tong si manong sa picture. Pero at least alam mo na ngayon kung saan inspired ang ice cream flavor na "salted" caramel - YUM!

The Duterte Supporters Anomaly

Si ate jejemon na Duterte supporter DAW
Lately ang dami kong nababasang negatibo about sa supporters ni Duterte. Andyan 'yung may nag-photobomb sa pictorial ni Mar sa Hong Kong, meron din 'yung magme-message kay Mar sa FB para na kunwari susuportahan s'ya sabay joke-joke lang pala. If these are true, 'di nila alam dahil 'don mas nakukuha ni Mar ang awa at simpatya ng mga tao. Well, that's if KUNG talagang Duterte supporters ang gumagawa 'non. So my skeptic mind began to think - may anomalya ba dito?

Kakaiba na kasi ang siraan ngayon sa social media. Di mo na malaman kung ano na ang totoo sa hindi. Ang dami pa namang uto-uto na konting kibot lang papatol agad sa isang malicious post. Di na nag-iisip. Sakay agad sa bandwagon ng bashers. Tsk, sadly ganyan talaga ang sistema.

Monday, April 4, 2016

To Lie (A Pre-Election Fiction)

Ang tulay. Bow.
Meet Juan. Ilang taon na s'yang dumadaan sa isang tulay para makapunta sa kabilang isla. And why not? Ligtas ang tulay na ito. Kumbaga subok na ito ng panahon. Kahit na may mangilan ngilan na hindi satisfied sa tibay nito, most still believe na ito ang pinaka epektibong paraan para makarating sa kabilang isla.

Minsan, napansin ni Juan na medyo dumadami yata ang nakakasalubong n'yang adik sa tulay. Minsan meron ding rapist, magnanakaw, mga corrupt na government officials, at kung ano-ano pang masasamang elemento. Hindi naman direktang apektado si Juan ng mga ito though minsan na s'yang nadukutan ng wallet sa paglalakad n'ya sa tulay, nagpasalamat na lamang s'ya na ligtas pa rin naman s'yang nakatawid. In short, hindi perpekto ang tulay pero it's tolerably efficient.

Saturday, April 2, 2016

Ronscreens: Batman v Superman: Dawn of Justice

Nang magkatampuhan sina Batman at Superman
Kung di mo pa napapanood ang pelikula, well, I'll help you make up your mind kung worth it ba s'ya panoorin sa sine o pwedeng abangan mo na lang ang malinaw na version n'ya sa torrent. Unang una, komut nandito sina Superman, Batman, at Wonder Woman, wala po dito si Carrot Man. Kaya kung 'yun ang ineexpect mong cameo, sorry for the disappointment.

Thursday, March 31, 2016

Dear Peppa

Peppa pig dog
Dear Peppa,

Welcome to your new home! Alam ko magugustuhan mo sa bahay namin dahil marami kang magiging friends dito. Alam mo naman ang bahay namin - parang animal shelter na din, he he. 

Wednesday, March 30, 2016

Kalungkutan Playlist

Minion: "Sana ako na lang ulit..."
Alam mo 'yung moments na feel na feel mong mag senti? 'Yung trip mo lang tumunganga sa kawalan kasi sobrang bigat ng loob mo? 'Yung tamang pakiramdam ng purong kalungkutan dahil ramdam na ramdam mo na mag-isa ka lang sa mundo? Oh yes, heto 'yung mga panahong bagong hiwa ang puso mong sumubok na namang magmahal - ngunit as expected, muli na namang nasaktan. Aray...

Ang sarap mag soundtrip during these times, di ba? At salamat sa technology, isang salpak lang ng earphones sa tenga mo at kahit nasaan ka pa, mapa byahe, mall, o eskwela, meron kang escape. Di na kailangang magkulong sa kwarto para mag-senti dahil para ka na ring may private melancholic sanctuary habang naka earphones at para bang hiwalay sa maingay na mundo. Sabi nga ng kanta - salamat, musika. So ano ba'ng nasa Kalungkutan Playlist mo?

Tuesday, March 29, 2016

Ronscreens: Hele sa Hiwagang Hapis

Sino ba namang di matatakam sa ganyang pamagat?
Pamagat pa lang talagang kikilitiin na ang imahinasyon mo, di ba? Hele sa Hiwaga ng Hapis (A Lullaby to the Sorrowful Mystery) is the latest movie from the unorthodox director Lav Diaz. It won the Silver Bear: Alfred Bauer Prize at the 2016 Berlinale bago pa man ito ipinalabas sa bansa na 'tin, which sadly, is becoming the trend nowadays. Mauuna munang ma-recognize ang isang pelikulang pinoy elsewhere bago pa mapansin ng mga pinoy.

Anyway, this is my first Lav film so I will review this film mula sa mata ng isang manonood na freshman sa Lav Diaz 101. I heard about the man's reputation sa pagiging experimental so let's see kung kaya ko bang sakyan ang Lav Bus *wink*.

Friday, March 25, 2016

Learning to Agree to Disagree

Pilot epsiode starts on May 9. 2016 sa PTV 4
Umay na umay ka na ba sa kaliwa't kanang pukulan ng baho ng mga presedentiables? Umaapaw na ba ang facebook wall mo ng kung ano anong propaganda at black proaganda ng bawat kandidato? Kung oo, well, good luck dahil hangga't wala pang eleksyon, siguradong crunch time ang bawat partido sa pagbabango ng pangalan nila habang pinapabaho ang pangalan ng iba,

Thursday, March 24, 2016

Ate, Ate.. Anyare? (Chapter 4: Ang Tamang Daan)

Babala: Bawal Tumawid Nakamamatay!
Haaay sarap! Semana santa at mahaba-habang bakasyon na naman tayo mga kaibigan. Mukhang magandang timing ito para ipagpatuloy ang ating epic pinoy zombie apocalypse adventure. Para sa mga ngayon pa lang makiki-join sa ating adventure, heto ang link sa nakaraang kaganapan sa ating istorya:

Ang Nakaraan...

With that, we now proceed to our heart-pounding, nail-biting, Ben Tumbling zombie apocalypse fiction!

Tuesday, March 22, 2016

Picture of the Day: My Daily Breakfast Scenario

FEED US, HUMAAAAN!
Isa sa mga perks ng pagkakaroon ng mga alagang pusa ay ang pagkakaroon ng kasama sa hapag kainan mapa agahan, tanghalian, meryenda, hapunan, o midnight snack man 'yan. Kung inaakala mong mag isa ka lang sa hating gabi habang dahan dahang naghahanap ng makakain sa ref - nagkakamali ka. May mga kumikinang na mga mata ang nagmamatyag sa'yo at handang magkalabit-penge kapag nakakuha ka na ng fudams. Indeed, napakasaya ng buhay sa piling ng mga "balbonic" persian beauties na 'to. Always beautiful.. always hungry!

Monday, March 21, 2016

Ang Idol sa Cebu Pilipinas Debates 2016

Binay, Duterte, Poe, and Roxas
Napanood n'yo na ba ang presidential debate kahapon? Grabe. Kudos sa TV5 for hosting this event na talaga namang intense! Kung di mo pa napapanood, here's a link with TV5 pre-debate discussion. After mo manapood, balik ka dito sa post na 'to para makilala mo ang tunay na IDOL sa debateng ito.



As expected, lahat ng kandidato palaban. Talagang di papayag di masapawan. May time ngang akala ko sasapakin na ni Grace Poe si Binay, eh. Si Duterte naman at Mar parang mga torpeng manliligaw kung magpahaging sa isa't isa. Pero sa napanood ko kagabi, kanino ba talaga ako humanga ng todo?